Marlo Mortel, ‘di papayag na mauhanan ni Manolo Pedrosa kay Janella Salvador

Marlo-Mortel-Manolo-Pedrosa-Jannela-SalvadorKAHIT NAUNANG na-established ang loveteam nila ni Janella Salvador sa Be Careful With My Heart, okey lang daw kay Marlo Mortel na ipinasok si Manolo Pedrosa bilang ka-loveteam nila sa bagong morning series ng ABS CBN na Oh My G.

“Siguro ‘yong iba iisipin na baka mamaya, a… ma-insecure, ganyan. Pero hindi naman po,” sabi nga ng young actor.

“Ako naman kasi, siyempre okey lang sa akin. Kasi everybody deserves a break. Si Manolo tulad ko, this is his chance to prove himself. ‘Di ba? So nasasa-kanya na po ‘yon kung papano niya gagawin ‘yong trabaho niya as an artist at kung mamahalin siya ng tao. Nasasa-kanya na ‘yon. But I’m very fine with it. Wala pong problema. Wala pong professional jealousy. Wala pong insecurity o anuman.”

Ang supporters ng Marnella tandem nila ni Janella, nagsisimula nang makaaway ang fans naman ng nabubuong Mano-Ella team up nina Manolo at Janella.

“Mag-aaway talaga sila. Kasi before pa lang mag-start at nalaman nila na may Manolo, medyo nagka-clash na, e. Parang nagkakaroon na rin ng ibang fan-base, ganyan. But, okey lang. Ah, it just means na may buzz. And it’s okay.”

Gaano na ba sila ka-close ngayon ni Janella?

“Very close kami. Close friends, sobrang close! And that friendship… talagang inaalagaan namin ngayon. Habang kami ay parehong gumagawa ng name for ourselves sa showbiz.”

Nagkaroon na ba sila ng chance to go out together kapag wala silang schedule ng work?

“Lumabas na kami together. But kasama ‘yong mom niya. Kumain kami outside. And then nag-Time Zone, gano’n.”

Maraming beses na ba silang nagkasamang lumabas?

“Marami na rin. Kasi kapag nag-show kami halimbawa outside na kasama rin ang mom niya, lumalabas kaming tatlo, e. Kagaya no’ng nagpunta kami sa Bacolod, kumakain kami together. Ganyan. Mga gano’n. Simple things.”

Hindi ba pumapasok sa isip niya na manligaw kay Janella? O baka naman sumisimple na siya na magparamdam?

“Ah, sa ngayon, hindi ko muna priority ‘yan. Although minsan naiisip ko rin. Pero siyempre si Janella, malaki pa ang future niya ahead of her. So, I’m gonna give her the time that she needs talaga.”

Happy na muna siya sa pagiging friends nila sa ngayon?

“Opo.”

Paano kung biglang sumingit na lang bigla si Manolo at manligaw kay Janella?

“Ah, siyempre makikisingit na rin ako!” natawang biro ni Manolo. “Hindi. Hahaha! Okey lang naman. Opo. Na kay Janella naman ‘yon, e. Sa ngayon naman sa tingin ko, she’s very focused on her career.”

Paano ba niya inaalagaan si Janella bilang leading lady? Ano ang ginagawa niya kapag nasa set sila?

“Normal kung paano ‘yong ginagawa ng isang leading man. Ako, sobrang gentle lang ako with Janella. Very careful ako towards her. Kung papa’no ang actions ko, talagang nagpapaalam ako. Minsan dati, naalala ko no’ng nag-start ‘yong Be Careful… pati pag-aakbay, nagpapaalam ako kay Janella. Kasi gano’n ko siya inaalagaan. And I respect her that much. So, ayon.”

Ngayong bida na sila sa isang serye, handa na ba siya kung sakaling magkaroon na sila ng kissing scene?

“Nagkaroon na ng eksenag nag-kiss kami sa Home Swettie Home. Pero daya lang siya. Dito sa Oh My G, hindi ko pa alam kung magkakaroon kami ng kissing scene. Sa ngayon, wala pa akong naririnig na may gano’n.”

Ano ang pinakagusto niyang qualities ni Janella?

“Si Janella, she’s very driven talaga sa career. Gusto niyang ma-reach ‘yong dream niya talaga at maabot kung ano ‘yong lahat ng mga pangarap niya sa buhay.”

What about sa physical qualities nito?

“I like her eyes. Very expressive.”

Traits naman ni janella na gusto niya?

“She’s nice and tahimik lang siya. But, a… may sense naman,” panghuling naging pahayag ni Marlo.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

One thought on “Marlo Mortel, ‘di papayag na mauhanan ni Manolo Pedrosa kay Janella Salvador

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.