Marlo Mortel, binansagan nang ‘Boyfie ng Bayan’

Marlo-MortelIF MAY Pambansang Bae raw ang Kapuso Network via Eat… Bulaga! na si Alden Richards, ang other-half ni Yaya Dub (Maine Mendoza ), may Pambansang Boyfie naman daw ang Kapamilya Network via Umagang Kay Ganda na si Marlo Mortel, ang other-half ni Janella Salvador.
From acting and singing (kung saan miyembro ito ng Harana Boys), pinasok na rin ni Marlo ang hosting at nag-e-enjoy raw nang husto ang binata sa bagong larangang pinasok.
Halos regular na nga raw na napanonood sa Umagang Kay Ganda si Marlo, dahil na rin sa dami ng nagri-request dito na mapabilang sa nasabing pang-umagang palabas.
At dito na rin nga tinawag na ‘Boyfie ng Bayan’ si Marlo sa dami ng mga kabataang babae na nagkaka-crush dito at kinikikig everytime na napanonood tuwing umaga sa UKG. Wish nga ni Marlo na maging regular na siya rito dahil nag-e-enjoy na siyang mag-host.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articlePinoy Parazzi Vol 8 Issue 109 September 07 – 08, 2015
Next articleMark Herras, walang inggit kay Alden Richards

No posts to display