Marlo Mortel at Janella Salvador, balik-tambalan sa Himig Handog 2016

Marlo Mortel at Janella Salvador, balik-tambalan sa Himig Handog 2016After winning Best New Movie Actor para sa mahusay na pagganap sa pelikulang “Haunted Mansion” ng Regal Films, nagkasunud-sunod na ang mga proyektong ginagawa ni Marlo Mortel. Ang latest nga ay ang pagiging interpreter niya at ng kanyang ka-love team na si Janella Salvador sa Himig Handog P-Pop Love Songs 2016.
Masaya nga ito dahil balik-tambalan sila ni Janella Salvador sa Himig Handog. Tsika nga ni Marlo nang makausap namin kamakailan, “Masaya po, kasi sunud-sunod ‘yung blessings na nakukuha ko after manalo sa Star Awards.

“Sa ngayon, kasama ko ulit si Janella sa Himig Handog, kung saan kami ang interpreter ng kantang “Mananatili” composed by Francis Louis Salazar. Isa po sa most requested and inaabangan sa ‘Himig’ this year.
“And maganda po, ang blending ng boses namin ni Janella, shinowcase talaga rito yung talent naming dalawa. Matured din ‘yung atake namin sa song at sa ngayon, second most viewed kami as of now sa YouTube.
“And maraming nakare-relate, kasi love at first sight. At saka ipinakikita rito na ang MarNella, mananatili pa rin at iba talaga ‘pag nagsama. Hahahaha!” sabi pa ni Marlo Mortel.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleChristian Laxamana, kumpiyansang maiuuwi ang Mr. Gay World title
Next articleVilma Santos, maayos na naalagaan at napakisamahan ang mga fans kaya patuloy na nagsusuportahan

No posts to display