Marlene Aguilar, battered child!

VERY INTERESTING AT exciting ang naging guesting ng kontrobersiyal na si Marlene Aguilar sa The Bottomline. Kahapon, Miyerkules, tineyp ang nasabing episode at doon nagpakita ng tapang at kakaibang side ng kanyang sarili si Marlene.

Bukod sa pagharap ni Marlene sa kaso ng kanyang anak na si Jason Ivler, marami pang hindi alam ang publiko sa pagkatao at personalidad ni Marlene. Lingid sa kaalaman ng lahat, isang tanyag na manunulat si Marlene at ang kanyang mga libro ay kilala rito at sa ibang bansa. Kahit ang Deputy Prime Minister ng Samoa ay napabilib sa husay ni Marlene sa pagsusulat ng kuwento.

Dahil bahagi nga kami ng programang The Bottomline, nagkaroon kami ng pagkakataong mag-research at mabasa ang dalawa sa mga kilalang libro ni Marlene, ang “Warriors of Heaven” at “Tales of the Black Widow” kung saan ipinakita at ibinahagi ni Marlene ang kanyang buhay. Semi-autobiographical ang libro na Marlene. Kinuwento niya rito kung paano siya lumaki at kami mismo ay nagulat sa kanyang rebelasyon na battered child pala itong si Marlene. Nilarawan niya sa libro kung anong parusa at dusa ang kanyang dinanas sa kamay ng kanyang ama na sobrang istrikto. Pero nilinaw naman niya na mahal niya ang kanyang ama at hindi siya galit dito.

Napag-alaman din namin na ito palang si Marlene ay clairvoyant. Ibig sabihin, nakikita nito ang mga bagay-bagay na hindi natin nakikita. Parang third eye, pero base sa paglalarawan ni Marlene, nakapaglalakbay siya sa panahon gamit ang pag-iisip from the past to the future. May tatlong instances pang ikinuwento siya sa libro kung paano niya napatunayang may taglay siyang kakaibang kapangyarihan.

Marami pa kayong matutuklasan kay Marlene sa episode na ito ng The Bottomline. Walang tanong na hindi sasagutin si Marlene at walang isyung tatalikuran. Lahat ng matitinding tanong bibigyan niya ng linaw: Siya ba ay baliw? Itinago ba niya si Jason sa NBI? Totoo bang ginugulo lang niya ngayon ang kaso sa pagdawit sa dating bodyguard? ‘Yan at marami pang katanungan ngayong Sabado na sa The Bottomline with Boy Abunda, pagkatapos ng Banana Split!

HUWEBES NA NAMAN at ibig sabihin lang niyan, Us Girls na naman! Yes, ang inyong leading lifestyle magazine show every week ay nasa new timeslot na! Huwebes na, 8pm sa Studio23 (Channel 17 sa Sky Cable). At mamayang gabi, ang pag-uusapan ay ang mga paborito at top picks nina Iya Villania, Cheska Garcia at Angel Aquino pagdating sa mga fashion, damit, sapatos, at mga gadgets! Bagong laptop, bagong cellphone at marami pang bago! Pati ang PBB housemates at iba pang artista naki-join sa amin at ipakikita nila ang laman ng kanilang mga kikay kit! Yes, pagandahan ang labanan ng mga ex-housemates, at makakasama pa nila si Angelica Panganiban! Si Rubi, ipakikita sa atin ang laman ng kanyang kikay kit. Silipin natin, ha?! Us Girls, 8pm, mamayang gabi na, sa Studio23!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.