Markki Stroem, ibabandera ang nota sa isang indie film!

TILA NASA mood si Maricel Soriano noong Sabado nang dumalaw siya kay Mother Lily sa haybol nito sa Greenhills kasama ang ilang press people na member ng kanyang Wednesday group na palagiang nagkikita-kita tuwing Miyerkules, sa Imperial Place Hotel na pag-aari ni Mother. May karamdaman si Mother ayon kay Ana Pingol na Associate Editor ng Yes Magazine na kabilang sa naturang entourage kaya nag-surprise visit sila with the gang.

Masaya si Maria noong araw na ‘yun na nakipaghalakhakan kasama ng mga press people na ni isa ay walang nagtangkang mag-urirat tungkol sa side niya sa nangyari sa kanila ni Gerald Anderson na naging dahilan para maligwak siya sa bagong teleserye ng Kapamilya Network.

Sa dahilang ayaw ng mga kasama, si Maria na lang ang pinagkuwento nila na masayang ibinalita na anytime next week ay magkakaroon na ng story conference sa comeback movie niya with Vice Ganda at Gabby Concepcion na Girl, Boy, Bakla, Tomboy na idi-direk ng mega box-office director na si Wenn Deramas.

SA TOTOO lang, inabangan namin ang initial episode ng bagong pantaserye ni Coco Martin sa Kapamilya Network na nagsimula noong Lunes right after TV Patrol.

Personally, type ko ang kuwento tungkol sa “alamat” ng “Bakal na Krus” na ginamitan nila ng “historical background” eklat with a dash of Pinoy culture tulad ng design sa mga mukha ng mga aswang na pinamumunuan ni Albert Martinez na kung hindi kami nagkakamali ay halaw sa mga Pintados ng Visayan region. Mabilis ang phasing na I’m sure, right after TV Patrol na diligently ay pinapanood namin gabi-gabi, mahu-hook na naman kami sa TV viewing schedule namin.

Bilib na kami kay Coco (hindi pa siya ipinapakilala sa mga episodes this week) dahil he can shuffle from a serious dramatic actor to a romantic guy in a love story sa  Valentine Presentation film niya with TV screen partner na si Julia Montes na A Moment in Time ng Star Cinema.

Mukhang maniniwala na ako that Coco is the current flavor of the “masa” na patunay lang ang sunud-sunod niyang mga TV Commercials na napapanood namin latetly kung saan siya ang lead.

Sa katunayan, ang daldal ni Coco noong presscon ng pelikula nila last Tuesday. Nasa mood siguro na excited at feeling happy sa kanyang mga pagbida.

Sa debut nga pala ni Julia come March 18, si Coco ang special escort ng dalaga.

In short, pagka-debut ni Julia, ibig bang sabihin nito, p’wede nang manligaw si Coco sa kanya?

FOR THE first time, mayroong Cinemalaya entry si Gretchen Barretto via the film Diplomat Hotel ng kaibigan naming si Christopher Ad Castillo na anak ng yumaong si Celso. Next month naka-schedule mag-shooting si Greta on location sa sinasabing hunted hotel sa Baguio City.

Sa pagkasali ni Greta sa obra ng US-based filmmaker-friend namin, hindi kaya maintriga siya lalo pa’t ang kinakasama niyang si Tonyboy Conjuangco ay isa sa mga tao behind the prestigious film festival every July?

 

SPEAKING OF Cinemalaya, mukhang exited ang mga beki sa pagpasok sa sexy genre ng guwapo at machong baguhan na si Markki Stroem. Yes, may frontal nudity siya sa Cinemalaya Directors Showcase sa pelikulang Amor Y Muerte ng kaibigan namin na si Cesar Evangelista.

It’s a period movie, kuwento ni Ces sa amin kung saan mga bida sa kanyang mulig pagbabalik sa pagdi-direk sina Althea Vega (alaga ng isa pa rin naming kaibigan na si Manny Valera).

Anytime this month ay magsisimula na silang mag-shoot sa Quezon at Laguna.

Dapat kay Jake Cuenca ang role na handa naman ang actor na magkaroon ng frontal nudity, pero dahil sa kabisihan ng schedules ni Jake, nagkaroon ng chance na mapunta kay Markki ang role.

For sure, dahil daming mga beki at matrona ang fans ng baguhan, blockbuster ito sa darating na festival.

 

ANONG NANGYARI sa career ni Alex Gonzaga after bigyan siya ng break ng TV 5 as lead sa mga tele-serye nila?

Sabi ng isang Kapatid Network insider sa amin: “Walang nangyari sa kanya. She will never be a star kahit ano mang hilot ang gawin sa career niya. Dami na niyang projetcs sa amin pero no recall siya sa publiko.

“Showbiz is not really meant for her. Hayaan na lang natin ang Ate Toni niya.”

At the moment, Alex is abroad for a longer vacation dahil as of press time, wala pang nakalatag na project ang mother studio niya para sa kanya.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

8 thoughts on “Markki Stroem, ibabandera ang nota sa isang indie film!

  1. ang tanga ni alex gonzaga isa n nga syang prinsesa ng tv5 at ng bbida sa teleserye, at my talk show pa bkit ng oberdabakod ba hayaan mo n yun ate toni mo, oh ngayon khit kailan ndi ka mgiging leading lady, sayang lang sinayang mo yung career mo icon kana sa tv5 pero binalewala mo,,,,,,,,, tzzzzzzzzzzzzzz

  2. Masama kasi ugali niyang si Alex Gonzaga at sana huwag nang ipilit ng TV5 na pasikatin. Concentrate na lang sila kay Nadine, Jasmine at Eula. Wag na rin yung Ritz Azul na kahit anong pilit eh walang kwentang umarte lol

  3. HANGGANG NGAYON, DI KO PA RIN “MAAMOY” ITONG SI MARKKI STROEM. PARANG BEKI, MINSAN PARANG STR8 NAMAN. IN FERNEZ, MAY DATING ANG LOLO NYO. AT MUKHANG MAE-EXPLOIT NA NAMAN NG KABADINGAN SA KANYANG INDIE AT PAGHUHUBARIN PA. 

    SI ALEX GONZAGA NAMAN, ILANG BESES NA NGANG BINIGYAN NG TV SHOWS AT PROGRAMS ANG LOLA NYO, KASO WALEY TLG. NAKAKAARTE NAMAN ANG HITAD. TLG NGA SIGURONG SHE’S NOT MEANT TO BE A STAR. HANGGANG STARLILET NA LANG MUNA SYA. NATALAKAN PA YAN NI MISS D SA SET DAHIL NAG PRIMA DONNA AT PINAGHINTAY SI MISS D. AYUN! MAY I CRY ANG LOLA PERO NAGPURSIGE NAMAN.

Leave a Reply

Your email address will not be published.