Mark Neumann, Masaya pa rin daw kahit walang teleserye

Mark Neumann

Mark Neumann

Hindi man masyadong visible sa telebisyon ngayon si Mark Neumann, dalawang pelikula naman daw ang ginagawa nito sa Viva Films, kung saan ito nakakontrata para sa pelikula.
Ayaw pang idetalye ni Mark kung ano ang mga titulo ng kanyang mga pelikulang ginagawa at kung sinu-sino ang makasasama niya. Basta abangan na lang daw ito ng kanyang mga tagahanga at ng Pinoy na mahilig manood ng movies.
Aminado naman si Mark na medyo name-miss na niya ang pagkakaroon ng regular TV show, katulad dati nu’ng kasagsagan na sobrang dami ng shows ng TV5 at nabigyan nga siya ng pagkakataon na magkaroon ng solo soap via “The Baker King”.
Pero naniniwala raw ito na darating ulit ‘yung time na magkakasunud-sunod ulit ang teleseryeng gagawin niya.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.