Mark Neumann, itinangging may hidwaan sila ni Vin Abrenica

Mark-NeumannMARIING PINABULAANAN ni Mark Neumann, lead actor ng Baker King ng TV5 na magsisimula nang mapanood sa May 18 (Monday to Friday 9:30 pm) na may mga hidwaang namamagitan sa kanila ng kapwa Kapatid actor niya at bestfriend na si Vin Abrenica, dahil mas nauna itong nabigyan ng malaking proyekto sa TV5, samantalang si Vin ang itinanghal na Grand Winner sa Artista Academy.

“Thankful nga po ako sa TV5 at sa lahat ng sumusuporta sa akin. Parang ang ganda ng pakiramdam na maayos at sobrang magagandang roles ang naibigay sa akin.

“Mahirap man siya, pero gusto ko siya, kasi gusto ko ng challenge. Ako naman, kung ano ‘yung ibinibigay sa akin, I give my best,” pagtatapos ni Mark.

 

2015-Mr-and-Ms-Olive-C-CandidatesPambato ng mga probinisya sa 2015 Mr. and Ms. Olive C, palaban

 

DUMATING NA sa Manila ang karamihan sa mga candidates ng 2015 Mr. and Ms. Olive C na mula sa iba’t ibang probinsiya sa Pilipinas.

At halos ang lahat ng mga ito, talaga namang naghanda at palaban para sa gaganaping engrandeng koronasyon sa May 23, 2015 sa SM North Edsa Skydome ng 5 pm.

Ilan sa mga nakikita naming possible winners na puwedeng mag-uwi ng korona sina Raymund De Veyra (Cebu), Lance Frederic Catacutan (Cebu), Carlos Cuerquis (Bohol), Claro Nang-is (Benguet), John Robert De Vera (Pangasinan), Princess Jayme (Cebu), Norecel Ybañez (Cebu), Alexandra Bangcaya (Bohol), Geraldine Topsnik (Bohol), Shareen Bay-an (Benguet), Sache Sophia Calamiong (Pangasinan), Joshua Marc Lara (Laguna), Patricia Marasigan (Batangas), Fevy Besas (Quezon), at Angela Sophia Tolentino (Bulacan).

Sino kaya sa kanila ang susunod sa yapak nga mga successful past winners, runners-up and finalists ng Mr. and Ms. Olive C like Hiro Magalona Peralta (GMA Prime Artist), Mauriel Orais (Miss Earth Philippines Water), Jon Lucas (Star Magic Talent), Joshua Joffe (image model of UniSilver Time), Mutya Datul (Miss Supranational 2013), at Ash Ortega (GMA Prime Artist)?
UnisilverEngrandeng 10th anniversary concert ng UniSilver Time, sa May 15 na

NGAYONG MAY 15, 2015 (Friday) magaganap ang engrandeng selebrasyon ng ika-10 anibersaryo ng UniSilver Time via concert entitled “10 X Giving: An Anniversary Concert na gaganapin sa Aliw Theater, 7pm.
Ito’y pagsasamahan ng lahat ng mga endorsers ng UniSilver Time mula kina Sam Milby, Karyle, Sponge Cola, UPGRADE, Barbie Forteza, Derick Monasterio, Ken Chan, Teejay Marquez, Sassy Girls , Juan Direction, Kim Rodriguez, Joshua Joffe, Bea Binene, Julie Ann San Jose, at Kate Lapuz.
Kasama rin sina Rich Azul, Eula Caballero, Mart  Escudero, Vin Abrenica, Brent Manzano, Timmy and Tammy Kids, Ejay Falcon, Valeen Montenegro, Enzo Pineda, DJ Mama Emma, DJ Kristine Dera, DJ Lala Bandera, Joshua Dionisio, Benjo Leoncio, Sophie Albert, Misters of the Philippines sa pangunguna ni Niel Perez, atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.