Mark Herras, walang inggit kay Alden Richards

Mark-Herras-Alden-RichardsMARAMING BUMIBILIB ngayon na mga movie press at isa na nga kami kay Mark Herras, dahil nga wala itong insecurities sa buhay. Kahit na may mga umuusbong na sumisikat na like Alden Richards, hindi mo makita na may halong inggit sa kanyang katawan. Sa true lang naman kasi, may naging panahon na rin naman si Mark noong kanyang kapanahunan sa Starstruck. Sabi nga, siya ang naging original winner. And original is always the best.

At may titulo rin naman siya na “Bad Boy of the Dance Floor”. Tuluy-tuloy ang kanyang career dahil nga makikita mo naman ang kanyang kasipagan ngayon. Sabi nga ni Mark, umiikot siya sa mga show ng GMA 7. Hindi siya nababakante.

“Ang inspirasyon ko ngayon ay ang aking anak na mag-two years na,” sey niya.

Kasama siya sa ngayon sa Starstruck  bilang segment host.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.