Mark Herras, wala nang panahon kay Ynna Asistio?!

HETO NA NAMAN, ‘day! Sa August 2 na raw talaga ang dating ni Nora Aunor!

Siguro pag-usapan na lang natin kapag dumating na talaga ito. Kasi ang tagal nang pinag-usapan ‘yang pagda-ting niya, wala pa rin. Kung talagang gusto niyang bumalik dito, matagal na iyan.

Ang sabi, sinisigurado lang daw na maayos ang trabaho niya rito bago siya umalis sa Amerika, pati ang accommodation niya’t lahat.

Nora Aunor na siya! Kapag nandito na iyan, hindi mawawalan ng trabaho iyan. Ang tanong lang diyan; magtatrabaho na ba talaga nang matino? Ang dami ko pa ring naririnig tungkol sa kanya at parang wala namang nababago.

Kaya dapat na mapatunayan na ni Nora na maayos na siyang magtrabaho dahil sa totoo lang, may ilang mawawalan ng trabaho kapag nandito na siya, ‘no!

Anyway, kinumpirma naman ng bestfriend niyang si Suzette Ranillo na darating daw talaga ito at tuloy ang pag-apir niya sa pelikula ni ER Ejercito. Ang latest naman kasing narinig ko papalitan na raw ito.

Ang daming naglalabasang kuwento dahil wala pa kasi rito si Nora. Kaya dapat dumating na siya para magkaalaman na!

I’m sure, magri-react na naman ang mga fans ni Guy, pero sa totoo na lang tayo! Tingnan na lang natin kapag nandito na siya talaga.

 

AYAN! MAS PINAG-USAPAN ang isyung sampalan nina Cherie Gil at Jean Garcia sa presscon ng bagong dance-serye ng GMA-7 na Time of My Life.

Mabuti’t maayos namang nasagot ng dalawa pero parang hindi pa yata tapos ang isyung iyan, dahil ang dinig ko may tensiyon pa rin sa set kapag magkasama itong dalawa.

Kaya abangan na lang natin dahil tiyak na meron pang maglalabasang kuwento.

Kaya mas type ko pang pag-usapan sina Mark Herras dahil siya naman talaga ang bida rito kasama sina Kris Bernal at Rocco Nacino.

In fairness kay Mark, ang laki nang iginanda ng katawan niya at lalo itong gumuwapo. Parang ayoko namang paniwalaan ang mga kumakalat na intriga tungkol sa kanya dahil maayos naman ang hitsura niya.

Sabi naman sa akin ng handler ni Mark, wala nang panahong lumabas ito dahil halos buong linggo, nasa taping ito ng Time of My Life.

Kung walang taping, nagri-rehearse siya at kapag makalibre ipinagpahinga na lang niya. Halos wala na nga raw itong panahong magkita sila ni Ynna Asistio kaya natsitsimis tuloy na break na sila.

Sabi naman ni Mark, okay sila ni Ynna at wala silang problema. Naintindihan naman ni Ynna ang trabaho niya ngayon kaya okay na ‘yun.

Sa Lunes na pala magsisimula itong Time of My Life sa Telebabad ng GMA-7.

Kung nag-hit ang kantaserye noon ni Regine Velasquez, tiyak na another hit na naman itong dance-serye na pauusuhin ng GMA-7.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Mark Herras, wala nang panahon kay Ynna Asistio?!

  1. pakielamera kasi at stage mader si baboy na nadia! hoy lolitang mandaraya sa awards night na muntik nang ipaku sa krus, asan ang comment ko dati??? inalis mo bruha kah! ano ito PEP na rin??? punyemas kwah!

  2. nakakatuwa nga comment ng frend ni ms.aunor eh. sabik na sabik na daw umuwi. makikita na daw niya uli ang ‘pinas at mga fans! hindi man lang binanggit na sabik na niyang makita pamilya niya na pinabayaan na lang niya!!!

    sana nga nag-mature na si ms.aunor. di na uubra style na may-po at opo pero laging bote at slot machine at droga ang priority.

  3. Bakit ba at anong problema mo sa Superstar Lolit. Ikaw kahit kailan kung pitikin mo ang Superstar parang may malaking ginawang kasalanan sa yo .Anong ginawang kasalanan sa yo ni Nora Aunor para lagi mo siyang tirahin sa column mo, at alam na alam mo naman na magagalit sa yo mga mambabasa dahil hindi makakatulong ang klase ng pagsusulat mo against Nora Aunor. Bakit di mo na lang isulat ang mabubuti kesa sa hindi maganda.Masama ba para sayo ang magsulat ng mabuti ha?Sa tanda mong yan dapat nirerespeto ka na at sa tagal mo sa industriya pero kung ganyan ka lagi wala kang respetong aanihin.

Leave a Reply

Your email address will not be published.