Mark Herras, tanggap na tanggap ng pamilya ni Ynna Asistio!

NAGSISIMULA NANG MAGLAYASAN ngayon ang mga artista para magbakasyon. Pero siyempre, sa bahay lang ang lola ‘nyo dahil ito lang ang tamang oras na makapaglilinis at makapag-aayos ako sa bahay.

Bukod pa diyan, hindi ko naman puwedeng iwan ang mga dogs ko, ‘no! Kaya sa bahay lang ako at maghihintay sa mga balita kung anu-anong drama ng mga artistang magbabakasyon ngayong Semana Santa.

Ang alaga kong si Mark Herras, hindi puwedeng iwan si Ynna Asistio kaya kasama siya sa lakad ng pamilya ni Ynna pa-Subic.

Tanggap na tanggap naman si Mark ng pamilya ni Ynna, lalo na ni Nadia Montenegro kaya kulang na lang mag-aminan silang dalawa.

Sa mga sagot nila sa interview ng reporters parang sila na nga, kaya hindi na siguro kailangang kulitin pa kung ano na sila.

Sabi nga ni Mark, iba na raw ngayon ang pakikipagrelasyon niya kumpara sa mga nakaraan. Ngayon daw ay seryoso na siya at hindi ‘yung gaya nang dati na kung kani-kanino pa siya nali-link. Kaya sabi naman ni Ynna, wala naman daw dahilan para maging selosa siya.

Hindi ko lang alam kung kailan pa naging sila dahil tahimik lang ang dalawa, pero kitang-kita naman sa mga kilos nila.

Ang magkasintahang Ogie Alcasid at Regine Velasquez ay sa Amanpulo naman daw magbabakasyon.

Pagkatapos ng taping nila ng Party Pilipinas nila sa Araneta Coliseum, tuloy na raw sila pa-Amanpulo dahil ‘yun lang daw ang magandang panahon para makapagbakasyon na sila lang.

Si Iwa Moto naman ay pa-Boracay kasama ang non-showbiz boyfriend niya siyempre at ang anak nito sa unang girlfriend. Sobrang close na kasi ang bagets kay Iwa at sinasabi naman ng seksing young actress na okay lang sa Mommy nitong bata na naging close na sa kanya dahil nakikita namang inaalagaan niya ito.

Ang magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera naman ay baka magpa-Benguet sila dahil may shooting sila para sa You To Me Are Everything malapit doon.

At least naiiba naman daw ito para sa kanila at excited na nga sila dahil makapagba-bonding na naman sila uli.

Pagkatapos ng bakasyong ito ay patapos na rin sila sa shooting ng pelikula nila sa Regal at GMA Films, at magsisimula na rin sila ng bagong Telebabad nila na Endless Love. Kaya wala na raw silang hiwalayan kahit sa trabaho. Bongga na ‘yun!

Si Aljur Abrenica naman ay ayaw nang sabihin kung saan siya magbabakasyon dahil natatakot na itong baka sundan siya at mabulilyaso na naman gaya nu’ng nangyari sa kanya last year nang mag-bakasyon sila sa Puerto Galera.

Buti na lang na-dismiss na ang kasong ‘yun kaya nakahinga na rin nang maluwag.

Pero pamilya raw ang kasama niya sa bakasyon na ang alam ko, magho-Hongkong sila dahil gusto nitong ipasyal sa Disneyland ang mga kapatid niya.

Hindi kasama si Kris Bernal dahil may lakad din ito kasama ang pamilya. Ngayon nga lang daw sila maghihiwalay sandali ni Kris dahil halos araw-araw namang magkasama sila sa trabaho. Kaya kailangan din nila ng break. Pero sobrang close na sila sa isa’t isa kaya hindi malayong magkadebelopan na ang dalawang iyan.

Naku! Makikibalita pa ako kung saan pa magbabakasyon ang ilan nating paboritong artista. Itsitsika ko sa inyo ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “Mark Herras, tanggap na tanggap ng pamilya ni Ynna Asistio!

  1. Swabeng swabe si Mark humataw sa dance floor, litaw ang galing niya (minus the moustache-tama ba spelling?). In fairness, mas magaling pa nga siya sa fusion na iyon. Hindi remarkable ang mga dance steps, matanda na kasi eh. Mas bilib ako sa mga steps ni Mark H. kahit noon pa. Sana meron siyang dance segment na iba iba ang kapartner sa PP every sunday. Mapababae or mapalalaki. Paging PP! Alisin niyo na kasi yung mga di kilalang isinasalang niyong mga ek ek na mga personality. Nakakasira ng mood.

  2. mark herras and marcky cielo is d best dancer in gma 7 but sad 2 say c mark h. nlng ang naiwan
    wala pa akong nki2tang kcng galing nilang mag sayaw sa channel 2. maru2nong oo pero kung pagta2patin…walang binatbat tlga…y i know coz i my self is a dancer…not dat good but i know kung cno tlga ang magaling

    • tama ka. impress me dun sa dance ni mark sa PP. in fact, siya nga lang ang naka-keep up dun sa choreographer nila. his moves are smooth and flowy. tapos lgi pa rin siya sayaw sa diva, so lagi ko rin nakikita.

    • Mas maganda ibalik ‘yung mohawk ni Mark. Para siyang Indian pana. lolz

Leave a Reply

Your email address will not be published.