Mark Herras, sinorpresa ang dyowang si Ynna Asistio!

MaGANDA ANG INTERVIEW ni Raymond Gutierrez kay Cong. Ronald Singson nang pumunta ito ng Hong Kong.

Isa ‘yun sa inabangan sa Showbiz Central kaya mataas ang rating nito.

Hindi nga lang malinaw ang mga pahayag ni Ronald pagdating sa relasyon nila ni Lovi, dahil hindi naman nito kinumpirma kung talagang sila na ba at kung gaano na katagal ang kanilang relasyon.

Hindi rin kasi nagsasalita si Lovi tungkol diyan. Nagpapasalamat na lang si Ronald sa lahat ng pagmamalasakit na ipinakita sa kanya ni Lovi.

May pelikula pa naman si Lovi na White House sa Regal Films at malapit na ang showing nito, kaya madalas na humaharap siya sa press. Pero iwas pa rin nang iwas pagdating sa ganu’ng isyu.

Maganda rin at nakapagsalita si Ronald sa SC kaya naipagtanggol naman nito ang kanyang sarili.

Tingnan na lang natin kung ano pa ang sasabihin ni Lovi tungkol dito.

BONGGA TALAGA ‘PAG ma-in love itong alaga kong si Mark Herras! Naloka ako nang nalaman kong siya ang naghanda ng surprise birthday party para kay Ynna Asistio.

Matagal na raw niyang pinaghandaan itong surprise party para kay Ynna sa tulong siyempre ni Nadia Montenegro.

Ginanap ang party sa Bistro R sa Timog nu’ng Linggo ng gabi para salubong sa mismong kaarawan ni Ynna nu’ng Lunes.

Napaiyak si Ynna pagpasok niya ng naturang bar dahil nandu’n na ang Mommy at mga kapatid niya pati ang mga malalapit nitong kaibigan sa showbiz.

Kuwento nga sa akin ng mga taga-Startalk, nandu’n din si Cristine Reyes na dating girlfriend din ni Mark. Pero close pala itong si Cristine kay Ynna noon pa, kaya wala naman sa kanila ni Mark ‘yun.

Sa totoo lang, halos lahat yata na girlfriend noon ni Mark ay malapit kay Ynna. Kaya pinagsasabihan daw nila si Mark na maging seryoso na ito kay Ynna.

Mukha namang seryoso na itong si Mark dahil hindi na nga siya nali-link kung kani-kanino at behaved na ito ngayon para kay Ynna.

Tingnan n’yo naman kung paano ma-in love iyan! Bukod sa surprise party na inihanda niya para kay Ynna, binigyan pa niya ito ng birthday gift na professional camera na matagal na palang gustung-gusto ni Ynna na magkaroon.

Sabi naman ni Mark, dumating na raw siya sa point na nag-mature na siya pagdating sa pakikipagrelasyon at malaki ang nagagawa ni Ynna para maging seryoso na siya.

Sabi nga ni Nadia, parang iisang pamilya na sila ni Mark at close na rin sila sa pamilya ng aktor.

Puspusan na ngayon ang pagpapaganda ni Mark ng katawan dahil gusto nitong pagbalik ay okay na okay na siya pati ang kalusugan nito.

Kapag okay na ang katawan ni Mark, maaring okay na siyang magpaka-daring at ready na siya sa mga matured at sexy roles.

Kahit nga si Ynna, gustung-gustong magpa-sexy na ang boyfriend niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Mark Herras, sinorpresa ang dyowang si Ynna Asistio!

  1. ang kapal naman ng hayop na james yap nayan para humati sa pera ni kris patay gutom kalasi ang mga pamilya nya sa probinsya kay aikinuha ng pang kain sa pera ni kris kapal mo talaga makakarma karin james manyak

  2. Wow..Mabuti naman Mark at nagpakatino kana. Sabagay iba talga ang nagagawa ng paig-ibig. Pero sana alagaan mo rin kalusugan mo. Panahon na siguro na umiwas kana sa bisyo. Gudluck sa career mo Mark.

Leave a Reply

Your email address will not be published.