Mark Herras, nagre-rebelde na sa pamilya?!

ISA SA ISYUNG napag-usapan namin sa Startalk nu’ng Sabado ay itong kay Mark Herras na naiimpluwensyahan na raw ni Nadia Montenegro dahil sa sobrang closeness nila, napapalayo na ito sa pamilya niya.
May nakarating ngang kuwento sa amin na nu’ng sumama raw si Mark kina Nadia, pag-uwi raw nito kinausap na raw ang pamilya niya na gusto na nitong hawakan ang pera niya dahil nasa tamang edad na siya.
Ang dating sa Daddy Jun ni Mark, parang si Nadia ang nag-impluwensya kay Mark na siya na ang hahawak ng mga kinikita niya at mag-aayos ng finances niya.
Ang ikinasama pa raw nila ng loob ng pamilya ni Mark, madalas na ito sa bahay nina Nadia, dahil siyempre nandu’n ang girlfriend na si Ynna Asistio at noon pa man ay close na talaga ‘yan sa kanila at close na close kay Nadia iyan.
Kaya lang, hindi na yata maganda ang dating nito sa pamilya ni Mark kaya may mga naglabasang isyung bad influence na raw si Nadia kay Mark.
Sinagot naman ni Mark ang intrigang ito dahil mga two years ago pa raw gusto niyang siya na ang maghahawak ng pera niya. Dahil pati nga ATM wala siya. Since 23 na rin naman siya, tingin nga naman niya dapat na siya na ang humawak ng mga kinikita niya para maging responsable naman daw siya sa buhay.
Nilinaw rin ni Nadia ang isyung ito at maluha-luha nga itong nagsalita sa Startalk na hindi makaaapekto sa magandang samahan nila ni Mark ang intrigang ito.
Malinaw ring nagpahayag si Nadia na hindi niya inilalayo si Mark sa pamilya niya, dahil ang isa nga raw sa nagustuhan niya kay Mark ay ang pagiging malapit nito sa pamilya niya.
In fairness naman, mahal na mahal ni Mark ang pamilya niya at siguro tama na ring siya na ang humawak ng pera niya para matuto naman siya sa buhay. Hindi naman siguro ikasasama ng loob ito ng pamilya niya lalo na si Daddy Jun.
Sumulat na raw si Nadia sa Tito Hermie ni Mark para magpaliwanag dahil tingin naman daw nito, okay sila dahil pumupunta rin nga raw sina Tito Hermie niya at mga pinsan sa bahay nila, at nagba-bonding sila roon.
Ang sa akin lang, tama ngang hayaan na natin si Mark na ang magpatakbo ng buhay niya at humawak ng pera niya dahil kailan pa niya ito matututunan, eh, 23 na nga naman siya.
Nakikita ko namang mas matino na siya ngayon kaya hindi naman siguro masama ang iniimpluwensya ni Nadia sa kanya.

SA MGA NAGTI-TWITTER at nagpi-Facebook, I’m sure kilalang-kilala na nila itong grupo ng mga young actress na tinawag nilang Ampalaya Anonymous.
Na-interview ng Startalk ang ilan sa kanila at inamin naman nila na ‘yun nga ang tawag nila sa kanilang grupo na ang sabi ng ilan ay ang lalakas daw ng dating.
Kasama raw rito sa Ampalaya Anonymous sina Angel Locsin, Bianca King, Bubbles Paraiso, Cristine Reyes, Glaiza de Castro, Maxene Magalona at Rich Asuncion.
Mga bitter daw ito sa mga lalaking nakarelasyon nila at kapag nag-i-emote sila sa lovelife nila, bitter ang mga hitad.
Sabi naman ni Maxene, walang masama sa kanilang grupo at out of the blue naisip lang daw nila na tawagin ang grupo nila ng Ampalaya Anonymous. Pero hindi naman daw sila nag-aastig-astigan, at wala naman daw silang inaaway o pinaparinggan sa mga inilalagay nila sa Twitter account nila.
Sabi ni Bianca: “Parang one time nu’ng nagkuwentuhan kaming lahat may mga bitter sa lovelife, mga ganu’n. So parang lumabas ‘yung term na parang nag-aampalaya. Nagkataon, marami kami nu’ng time na ‘yun na bitter-bitteran.”
So ganu’n na nga! Karamihan, naging bitter sila sa lovelife nila kaya nabuo iyang grupo nila.
Nagdi-deny sila na may mga inaaway sila, pero aalamin pa natin iyan dahil may mga naririnig pa ako na ibang kuwento tungkol sa kanila. Kukumpirmahin muna namin iyan.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Mark Herras, nagre-rebelde na sa pamilya?!

  1. How about Rich Asuncion, after breaking up with Aljur, bitter sya. Then Aljur is with Bianca King now which is also a member of the Ampalaya Anonymous. As per the news it was Cristine who confirmed that Aljur and Bianca is an item.

  2. Pahawakin na nang pera niya para matuto. Pero kung siya ang breadwinner nang pamilya, baka mahirapan ang ama na pakawalan ito. 18 is the right time for someone to learn how to take care of their finances and earnings with the proper guidance from parents and financial planners. 21 is when they can make a decision on their own as adults. Parental supervision can still remain, but that is all there is, supervision and the final say so is with the 21 year old.

  3. parang disaapointed ako kay Maxene. The rest talaga namang mukhang maldita sila. Minsan ng binastos nina Bianca at Bubbles si Jewel Mische. Kung totoo na kuyog ang mga ito at gagawa ng katarantaduhan sa kapwa artista sa GM dapat hindi ito itolerate ng network. Magiging totally bullies ang mga ito.

  4. Magtigil ka nga, Lolit Solis. Ikaw ang taong madaling magimbento at laging nadedemanda.

Leave a Reply

Your email address will not be published.