Mark Herras, nagluluksa!

PUMANAW ANG PINAKAMAMAHAL na lola ni Mark Herras sa mother side nito na si Dolores Santos sa edad na 78, noong January 21. Cardiac arrest ang sanhi ng pagkamatay ng butihing lola ni Mark at nakalagak ang mga labi nito sa kanilang bahay sa Sta. Rosa, Laguna. Sobrang close ang binata rito. Kapag may kinasasangkutang mga isyu ang young actor, ang lola niya agad ang tumatawag at naglilinaw. Nakikiramay kami sa buong pamilya ni Mark.

Phil at James Younghusband ng Azkals, may kumakalat na video sa YouTube

Hindi lang pala hit ang magkapatid na James at Phil Younghusband sa larangan ng football, kundi pati na rin pala sa YouTube. Mayroon kasi silang isang dance tutorial video kasama ang mga kapatid at kabarkada na sinimulang i-upload noong Jan. 2 may mahigit 5,000 hits na. Ang isa pa ay ang pinangungunahan naman ni James na ‘Teenage Dream’, ang sikat na Katy Perry song na naging sensation din sa US TV sa show na Glee. Hindi lang pala sa football mahilig ang magkapatid, kundi maging sa pagkanta at pagsayaw.

Dahil sa marami ang nag-view sa kanilang video, tinanong namin kung ano ang nararamdaman nila, at tugon ni James: “Nagulat kami, kasi ‘di kami expect for it to be such a hit, but the Askals surprised nga din, they said they saw it but our coach hasn’t seen it.”

Pinaghahandaan na rin ni Phil ang susunod na video na gagawin. “S’yempre, s’yempre… it would be next month.”

Samantala hindi lang sa Pilipinas naging sensation ang Azkals, kundi maging sa Indonesia, dahil mayroon ding big offer na makapaglaro ang Filipino-British brothers sa Indonesian premiere league. “The team that approached us was Jakarta FC, pagkatapos nu’ng second game namin. They apporached me and asked. They wanted me to sign for the club, and the negotiations started from there. They just said they were interested, kasi andami ng fans sa Indonesia. But right now, we’re focused on the Younghusband football academy and the Azkals, so…”

Matatandaan na si Phil Younghusband ay na-link noon kay Rhian Ramos.

Parazzismiz
By Maica Tidila

loading...

One thought on “Mark Herras, nagluluksa!

  1. Sana magpakatino na itong si Mark Herras, I like him pa naman. Sayang ang oportunidad kung sayangin nya. Ang daming gustong pumasok sa showbiz, hindi makapasok. Nandoon na sya sa loob, e sayangin pa. Hayyy naku. We need to count our blessings and learn to love ourself and what we have.

Leave a Reply

Your email address will not be published.