Stars Candid: Mark Herras, naghamon sa kalye!

Si Mark Herras ang binansagang ‘Bad Boy ng Dancefloor’ dahil sa kanyang angking liksi sa pagsayaw. Nagkaroon pa nga ito ng dance album at maraming bebot ang kinikilig tuwing siya’y umiindak sa TV man o mall tours. Hindi rin tinatantanan ng intriga ang gwapitong mananayaw. Ilang babae na ba ang na-link sa kanya? Kahit na marami ang bumabatikos sa kanya, tuloy-tuloy pa rin ang pag-indak ng kanyang karera.

Teka, teka. Ang bad boy ng dancefloor ba ay bad boy rin ng kalsada?! Na-sight ng kaparazzing tambay si Mark habang nakikipag-usap sa ilang bagets. Hinahamon niya kaya ito ng showdown sa kalsada?! Yun na!

loading...

3 thoughts on “Stars Candid: Mark Herras, naghamon sa kalye!

Leave a Reply

Your email address will not be published.