Mark Herras, kailangan nang operahan!

NU’NG KAMAKALAWA LANG nakalabas ng hospital si Mark Herras matapos siyang isugod sa hospital nu’ng Huwebes ng madaling-araw.
Nakausap namin ang young actor sa Startalk at ikinuwento nga nitong tumawag siya sa Tita Nadia Montenegro niya dahil hindi na raw niya kaya ang sobrang sakit ng tiyan niya at nagno-nose bleed siya.
Kaya kaagad namang ginawan ng paraan ni Nadia na ma-pack-up na si Mark sa taping ng Langit sa Piling Mo dahil sa ‘di na nito kinaya ang naramdaman niya.
Pina-confine na nila ito sa FEU hospital at pina-general check-up na. Doon nalaman na may polyps pala ito sa gall bladder at may stone sa kidney.
Mabuti na lang at clear naman ang lungs niya dahil ‘yun talaga ang concern namin na baka mahina na ang lungs nito sa sobrang puyat at kasisigarilyo na rin.
Pero ang sabi ng doktor, kailangan talaga ni Mark ng pahinga dahil sa trabaho, at stress iyang pagkaroon niya ng polyps sa gall bladder.
Pagkatapos daw nitong Langit sa Piling Mo, ii-schedule na nila ang operasyon sa gall bladder nio Mark. Kaya naman daw ng gamot ang stone sa kidney, pero kailangan pa rin niya ng tamang medication.
Ang isa pang problema ni Mark, hirap ito sa pagtulog kaya binigyan ito ng gamot para maayos ang pagtulog niya.
Ang sabi nga ni Nadia, pagkatapos nitong Langit, siguro magbawas-bawas muna ng trabaho para maasikaso naman niya ang kalusugan niya.
‘Yun din ang gusto ni Mark na magpalakas muna siya. Kaya iwas muna ito sa puyatan na taping. Okay na ‘yung mag-Party Pilipinas siya at ang Danz Showdown.
Mag-i-enroll daw siya sa gym para lumaki-laki ang katawan niya at magpaka-healthy muna.
Pero sinabihan ko na rin na ang isa sa dapat niyang iwasan ay ang paninigarilyo. Magmula nu’ng naospital siya ay itinigil na niya ang paninigarilyo. Sana nga ituluy-tuloy na niya.
Inaasikaso naman nang husto si Mark nina Nadia at Yna Asistio at nandiyan din ang Daddy at ang Tito Hermie niya na nagbabantay na sa kanya ngayon.

NALOKA AKO SA sagot ni Zoren Legazpi nang tinanong ni Ricky Lo sa Startalk kung sakaling may project na pagsasamahan nila ni BB Gandanghari at may kissing scene, payag ba si Carmina.
Sabi ni Carmina, mabuting si Zoren na ang tanungin kung payag ba ito. Sey ba naman ni Zoren, depende raw kung sino ang nasa itaas o kung sino ang nasa ilalim.
Siniko bigla ni Carmina si Zoren at pabulong na pinagsabihan sa nakakalokang sagot niya. Nandu’n pa naman sa studio ang kambal nila at parang walang kamalay-malay sa pinag-uusapan ng magulang niya.
Open na rin naman sina Zoren at Carmina na pag-usapan si BB, pero ‘yung magsama sila sa isang project, tingin ko parang hindi pa mangyayari iyan.
Matagal nang kinukulit ng staff ng bagong show nina Zoren at Carmina na Love ni Mister, Love ni Misis itong si BB na mag-guest sa kanila pero hindi pa rin nila napapa-oo. Ang sabi, nagpa-presyo pa raw nang husto, pero hindi naman yata totoo iyan.
Mabuting magharap-harap na raw para matapos na ang isyu nilang tatlo, handa naman sina Zoren at Carmina na makaharap si BB. Ewan ko lang kung ready na si BB. Kahit nga ang Startalk na matagal na itong kinukontak, ayaw pa rin niyang mag-commit. Nananahimik pa ito ngayon at wala naman tayong kaide-ideya kung ano ang pinagkakaabalahan niya.
Anyway, abangan n’yo na lang ngayong umaga ang bagong show nina Carmina at Zoren sa GMA-7, ang Love ni Mister, Love ni Misis.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

One thought on “Mark Herras, kailangan nang operahan!

  1. Please,mga reporters tigilan na paggamit kay BB!happy na si BB she has a new life na.Lets respect him na lang at wag na isali sa mga promo ng mga shows ng mag-asawang ito!.happy&at peace na silang lahat!.

Leave a Reply

Your email address will not be published.