Mark Herras, kailangan nang magbago

BAGO KAMI NAG-STARTALK nu’ng kamakalawa ng hapon, biglang dumating si Mark Herras kasama si Nadia Montenegro at si Yna Asistio.

Siyempre tinalakan ko na si Mark at doon naman siya nagpaliwanag. Nilinaw ko lang sa kanya na hindi naman siya ganyan dati. Tuwang-tuwa nga ako sa kanya nu’n dahil kahit anong pinapagawa mo sa kanya, wala siyang karekla-reklamo.

Kahit halos araw-araw nagtatrabaho siya, wala kang naririnig sa kanya. Kaya sabi ko nu’n, parang nakikita ko sa kanya si Gabby Concepcion nu’n na wala kang naririnig na reklamo kahit magkadikit ang mga oras ng ta-ping at shooting nito.

Pero ngayon, ang daming kanegahan ko nang naririnig tungkol sa kanya kaya nairita na ako. Tinalakan ko na pati na rin si Nadia dahil sila naman ang madalas na magkasama. ang buong akala ko, magiging maganda ang attitude niya dahil nandiyan si Nadia na gumagabay sa kanya. Eh, hindi naman pala ganu’n ang nangyari.

Maayos namang nagpaliwanag sa akin, pati si Nadia at hindi na pinatulan ng huli ang mga talak ko sa kanya.

Ipinaliwanag ko na rin sa Startalk kung bakit ako nagalit at kung ano ang ikinagalit ko nang husto sa ginawa nito.

Sabi ko nga sa kanya, dati kay Vilma Santos ko lang naririnig iyang ‘nagkaka-insomniac’, pero naayos naman niya iyun at heto nga, gobernadora na siya. Ewan ko lang kung magiging gobernador ang future ni Mark.

Tinanggap ko naman ang paliwanag niya at nangako namang hindi na mauulit ang mga ginawa niya noon. Sana nga! Sana wala na nga akong maririnig na kung anu-ano tungkol sa kanya.

Sana nga mapatunayan ni Nadia na hindi siya bad influence kay Mark. Tingnan na lang natin next year kung ano ang mangyayari nga sa career niya na binabantayan nga ni Nadia.

Sinabi ko na lahat sa Startalk, a-yoko nang magsalita uli tungkol diyan kay Mark. Tingnan ko na lang kung tutuparin nga nito ang pangako niya.

TOUCHED NAMAN AKO kay Korina Sanchez na sobrang sweet naman nito sa akin ngayon. Dati, wala naman akong natatanggap na Christmas gift sa kanya, pero ngayon, doble-doble na.

Nu’ng una, pinadalhan niya ako ng mga malalaking sugpo at alimango na galing daw sa lalawigan ng asawa niyang si Mar Roxas. Siyempre, masarap naman talaga ang seafood galing Roxas kaya tuwang-tuwa naman ako.

Aba! Nu’ng nakaraang linggo lang, nagpadala na naman si Mama Koring ng masarap na ensaymada para sa akin.

Ang bait na niya sa akin at tuwang-tuwa naman ako, ‘day! Alam n’yo naman touched talaga ako kapag naalala akong padalhan ng regalo kaya parang ang laki nang ipinagbago nito ngayon.

Siguro nga malaki rin ang implu-wensiya sa kanya ni Mar. Kaya love ko na rin si Korina ngayon! ‘Yun lang!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Mark Herras, kailangan nang magbago

  1. Sana wala ng eskandalo about Mark. Gusto ko sya, maski maliit ang isang mata nya compared sa isa, napaka lakas ng sex appeal ni Mark at guapo talaga sya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.