Mark Herras & Jennylyn Mercado: Reunited… and it Feels so Good!

Mark-Herras-Jennylyn-MercadoMARK HERRAS

Real Name: Mark Angelo Santos Herras

Birthdate: December 14, 1986

Zodiac Sign: Sagittarius
Symbol: The Archer

Ruling Planet: Jupiter

Quality: Mutable

Element: Fire

Basic Trait: I Perceive

Closest Metal: Tin

Lucky Day: Thursday

 

JENNYLYN MERCADO

Real Name: Jennylyn Vergara Mercado

Birth Date: May 15, 1987

Zodiac Sign: Taurus

Symbol: The Bull

Ruling Planet: Venus

Quality: Fixed

Element: Earth

Basic Trait: I Have

Closest Metal: Copper

Lucky Day: Friday
MALAPIT NANG mag-celebrate ng ika-10 anibersaryo ang unang batch ng Starstruck! Ibig sabihin nito, sampung taon na rin simula nang matunghayan natin ang simula ng loveteam nina Mark Herras at Jennylyn Mercado o MarkJen. Nasubaybayan natin ang kanilang teen love hanggang sa mag-break at mag-explore sa iba’t ibang naka-relasyon. Hindi naman na natin siguro kailangan pang mag-name drop dito, ‘noh?
Balik-tambalan sina Mark at Jennylyn sa pinakabagong primetime series ng Siyete na ‘Rhodora X’. Parehong single and ready to mingle ang dating magkasintahan kaya naman hindi namin maiwasang mag-isip ng mga posibilidad ng reconciliation. Ito na kaya ang tamang oras para magbalikan sa totoong buhay ang MarkJen?
Kung gaano karami ang pagkakapareho sa ugali ng Sagittarius at Taurus, ganu’n din naman ang pagkakasalungat nito. Gustung-gusto ng Archer na makihalubilo at maki-party sa mga madlang pipol, habang ang Toro ay mas gustong tumambay sa bahay at magbasa na lamang ng libro o mag-Internet. Madaling mabo-bore ang Sagittarius sa relasyon habang madalas na mababagabag ang Taurus sa madalas na paglayas ng kasintahan.
Mabibigyan ng bonggang chance ang pagsasamang ito kung magkukusa ang magkabilang-panig na intindihin ang pangangailangan at interes ng isa’t isa. Kailangan magbigay ng space ang Taurus at kailangan din naman bawas-bawasan ng Sagittarius ang masyadong paglalabas. Ang pagiging ‘happy-go-lucky’ ng Saggitarius ay maaaring mabalanse ng mas praktikal na Taurus. Sa pamamagitan ng sistemang ito, maaaring tumagal ang relasyon ng dalawa. Understand your partner and don’t try to change them!
Initially, maaakit ang babaeng Toro sa pagiging outgoing ng lalaking Archer. Makikita niya kasi sa potential lover ang mga bagay na gusto niyang gawin, pero natural ang pagiging reserved ng kanyang karakter. Opposites attract nga, ‘di ba? Kalauna’y ang pagiging natural na flirt ng Sagittarius ay magpapa-praning sa Taurus. Okay ang relasyong ito kung short-term ang pag-uusapan. Kung long-term ang pinapangarap, kailangan ng mega effort!
Well, mukhang totoo nga ang nakasulat dito. Hindi ba’t swak sa nangyari kina Mark at Jennylyn many years ago kaya nga sila tuluyang naghiwalay? Ngayon na may tsansang magka-debelopan silang muli, kailangan nilang matuto sa mga naging pagkakamali nila noon. Hmmm… kakanta ba sila later on ng ‘Reunited and it feels so good”? Nasa kanila na ‘yun…

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.