Mark Herras, itinanggi ang webcam scandal

Ang dami nang nagpiyesta sa webcam scandal na iyan ni Mark Herras, kaya nagsalita na itong alaga ko para pasinungalingan ito.

In fairness naman dito kay Mark, kapani-paniwala naman ang paliwanag niya na hindi nga siya ang nagmamay-ari ng malaking ari na ‘yun na lumalabas sa mga internet site.

Hindi kasi video ‘yun kundi litrato na lang na kinuha raw sa pakikipag-chat ni Mark sa isang silahista yata na maaaring naglabas nito.

Paliwanag ni Mark sa Startalk, imposibleng siya ‘yun dahil ang nakalagay na date doon ay April 8, 2010.

‘Yun daw ang araw na may Party Pilipinas siya sa SMX at inatake nga ito ng matinding sakit ng tiyan at kinapos ng paghinga, kaya muntik na itong isinugod sa hospital.

Nu’ng mga panahong ‘yun ay naka-bigote ito dahil sa role niya sa Langit sa Piling Mo.

At dagdag pa ni Mark, bakit naman daw siya makikipag-chat at gagawa ng kahalayan sa isang lalaki o bading?

Diyan naman ako naniniwala kay Mark, dahil kilala naman ang pagkababaero nito at walang bahid ng kabadingan, kaya tiyak na hindi niya gagawin ‘yun.

Sabi ko nga kay Mark, huwag nang seryosohin ang eskandalong iyan, dahil halos lahat naman ng aktor ay dumaan sa ganu’ng intriga.

Siyempre, marami ang nagnanasa sa kanya kaya lumaki ito at talagang pinag-uusapan nang husto.

Hindi ko nakita ang webcam scandal na iyan sa internet kaya tinanong ko na lang kung “daks” ba? Sabi naman ng mga bakla, bonggacious at katilam-tilam ang ari na nakabalandra du’n, kaya hayaan na lang, ‘di ba? Hindi naman nakakahiya kung kay Mark man ‘yun. Tingnan n’yo tuloy, lalong dumarami ang nagnanasa sa kanya.

Basta ang tiyak ko lang, hindi iyan makikipag-chat sa kapwa lalaki. Sure naman ako na hindi bading iyan, ‘no!

Balak daw ng GMA Artists Center na i-research kung sino ang nagkalat nito at baka iparating nila ito sa korte. Bahala na ang GMA-7 diyan kung ‘yun ang desisyon nila.

NGAYONG ARAW NA magsisimula ang bagong drama series ni Kris Bernal na Koreana na mapapanood pagkatapos ng Trudis Liit.

Medyo kabado rito si Kris dahil siya ang magdadala ng drama series na ito at pawang baguhan ang katambal niya na sina Rocco Nacino at Steven Silva.

Pero base sa plug nitong Koreana, parang maganda siya at kaabang-abang ang mga drama scenes nila.

Dito mapatutunayan kung kaya nang magdala ni Kris ng programa na hindi katambal si Aljur Abrenica kaya talagang humihingi ng suporta ang young actress na tangkilikin itong Koreana para masabing made na talaga siya kapag nag-hit ito.

Malaking bagay rin ito kina Rocco at Steven dahil dito mapatutunayang kaya na nilang mag-lead sa isang drama series.

In fairness, maganda ang mga support dito sa Koreana, dahil may Eddie Garcia, Lotlot de Leon at Angelu de Leon na pawang mabibigat ang mga role na ginagampanan.

Ipakikilala pala rito sa Koreana ang isang anak ni Sen. Bong Revilla na si Luigi Revilla.

Aliw na aliw ang mga reporter interbyuhin itong si Luigi dahil walang preno ang bibig at hindi pa showbiz na showbiz ang mga sagot.

Tinanong siya kung okay ba ang pakikitungo sa kanya ni Cong. Lani Mercado.

Sabi daw nito: “Me and Tita Lani are okay. But my Mom ang Tita Lani are not okay. They don’t talk to each other.”

Tinanong din siya kung kumusta naman siya sa lolo nitong si dating Sen. Ramon Revilla Sr.

“Sa dami ng mga anak ng lolo ko, hindi pa niya siguro ako kilala,” diretso nitong sagot. Bongga ang bagets na ito, ‘di ba?

Pero tingin ko naman kilala iyan ni Mang Ramon, hindi lang siya siguro lumalapit.

Close naman si Luigi kina Jolo at sa iba pang anak nina Lani at Bong, dahil nakikita ko namang parang magkapatid ang turingan nila sa isa’t isa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Previous articleKahit propesyunal na lang ang relasyon: Kim at Gerald, apaw pa rin ang kilig factor
Next articleTerminators (Geoff Taylor-Rico Robles)

No posts to display