Mark Herras injures self on “Paano Ba ang Mangarap” taping

TALAGANG TINOTOO NA ni Jennylyn Mercado ang pagbura kay Patrick Garcia sa isip at sa buhay niya.

Nu’ng mag-guest ito sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado, ayaw niyang ipatanong ang tungkol kay Patrick dahil ganu’n at ganu’n pa rin naman daw ang sagot niya.

Ngayon pa lang, pinaghahandaan na niya ang nalalapit niyang kaarawan dahil iri-release na ang coffeetable book niya, kung saan doon naka-document ang kanyang pagbubuntis hanggang sa panganganak.

Marami pa siyang mga litratong doon lang makikita sa librong iyon. Kaya kung gusto ni Patrick na makita ang kanyang anak, bumili na lang siya dahil walang balak daw si Jennylyn na bigyan ito. Kahit nga discount, wala raw balak si Jennylyn na bigyan ito.

Sa May 14 at 16, meron siyang concert sa Music Museum at paano kaya kung manonood doon si Patrick? Naku dedma lang ang Jennylyn! Baka nga pati sa Music Museum, hindi welcome si Patrick dahil talagang wala na raw, as in wala!

Kasi naman hindi mawala-wala ang isyung karelasyon daw talaga nito ang VJ na si Andrei Felix dahil may mga nakakita na magkasama sila. Pero todo-deny pa rin si Jennylyn. Basta concentrate na lang daw siya sa trabaho para sa kanyang anak at maganda naman kasi ang mga project na ibinibigay sa kanya ng GMA 7.

NAGKAROON PALA NG minor accident si Mark Herras sa taping ng Sine-nobela nila ni Jennylyn na Paano Ba ang Mangarap?

Matindi raw ang eksenang kinunan, kung saan nagwawala na si Mark at pinagbabato at pinaghahampas ang mga gamit na nadadampot niya.

Medyo napalakas daw ang paghampas niya sa pinto at hindi maganda ang tama ng kanang kamay niya sa may gilid ng pinto, kaya naramdaman daw nitong parang may lumagutok sa kamay niya.

Akala niya may nabaling buto, pero itinuloy pa rin niya ang eksena dahil mahirap kung ulitin pa ang take.

‘Pag-cut ni Direk Joel Lamangan, napatili na raw itong alaga ko sa sobrang sakit.

Akala nga raw niya napilay ito, pero hindi naman pala. Pero namaga ito at kailan lang ito medyo nag-okay.

Nu’ng nakaraang Linggo nga sa SOP, namamaga pa rin ang kamay niya pero todo-hataw pa rin siya sa sayaw kahit nakabenda ito.

Sobrang kinakarir na raw kasi ni Mark ang ginagawa niya sa Paano Ba Ang Mangarap? dahil inspired siya sa dami ng mga pumupuri sa performance nila at consistent na mataas ang rating.

Meron na ngang mas magandang project na ibibigay sa kanya ng GMA 7 pero hindi muna puwedeng sabihin at baka maudlot pa.

Pero kapag natuloy raw ito, gagalingan daw niya lalo at nagpapasalamat nga ito kay Direk Joel Lamangan dahil patuloy pa rin siyang wino-workshop para ma-improve ang acting niya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Mark Herras injures self on “Paano Ba ang Mangarap” taping

  1. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » Pinoy Parazzi Vol. II issue #57

Leave a Reply

Your email address will not be published.