Mark Herras, hiniwalayan daw ni Ynna Asistio dahil sa bisyo

Mark-Herras Mark-HerrasTOTOO BA ‘yung sinasabi raw ni Nadia Montenegro na kaya raw nakipag-break si Ynna Asistio kay Mark Herras dahil daw sa bisyo nito?

Naku, ha! Magsalita pa siya kung ano ‘yung sinasabi niyang bisyo, para ako na ang sasagot niyan!

Eh, nu’ng may relasyon pa sina Mark at Ynna, halos sa kanila na nakatira, ah! Bilang tumatayong nanay-nanayan na rin ni Mark, bakit hindi niya suwetuhin si Mark? Eh, ang laki nga nang nabago kay Mark nu’ng naging close sila at siya lang ang pinapakinggan nu’n!
Sana huwag na nilang palakihin itong isyu, dahil hinarap naman ni Mark itong pagkakamali niya na may nabuntis siyang ibang babae, tapos na sana.

Huwag na silang magsalita ng kung anu-ano pa!

Inamin na nga ni Mark ang malaking pagkakamali niya. Humingi na siya ng sorry sa kanilang lahat at hinarap niya itong bagong responsibilidad niya.

Huwag nang palalain pa ang isyu, ‘no!

Kay Mark lang ba ang pagkakamali lahat?

Pero naging matapang naman si Mark na hinarap ito lahat at inako ang pagkakamali. Move on na tayo!

Mahirap kay Mark itong ginawa niya, pero ayaw na niyang matago-tago pa. Gusto niyang nakahaharap siya nang diretso sa mga tao dahil wala siyang itinatago at idi-deny sa publiko.

Masaya na siya ngayon dahil malaya siyang nakalalabas na kasama ang baby niya.

At least naging lalaki siya at naging totoo siya. Kaya marami ang pumuri sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Mark Herras, hiniwalayan daw ni Ynna Asistio dahil sa bisyo

  1. mabuti nga pinatulan pa ni mark si ynna.. eh sa lahat nman ng naging gf nyang si mark eh si ynna ang pinakashungit.. parang na.disappoint nga ang mga fans nyang si mark kung bakit naging sila.. mga naging link or gf ay sina christine, jen, marian, ryza, rhian at marami pang iba.. at ngtagal pa ng 5yrs.. sus kung hindi lng siguro dahil ky nadia montenegro ay d yan matagalan ni mark.. siguro nahihiya syang hiwalayan si ynna na baliw na baliw sa kanya dahil sa talas ng baba ng ina ng gf nya..

Leave a Reply

Your email address will not be published.