Mark Herras, hinamon ang ‘nabuntis’ na maglabas ng pruweba! – Lolit Solis

NALUSUTAN YATA NI Krista Ranillo ang mga parazzi natin! Ang nakarating na kuwento, dumating na raw ito nu’ng Biyernes din pero sa gabi na.

Dapat sasabay raw talaga ito kay Manny Pacquiao pero nagawan yata ng paraan na huwag na lang at ibinuk ng ibang oras. Kaya kinagabihan na ito dumating kasama raw si Mat Ranillo III.

Nakausap naman ng Startalk staff namin ang manager nitong si Arnold Vegafria, darating nga raw ito dahil kailangan na niyang magsimulang mag-taping sa bagong programa niya sa ABS-CBN 2.

Nasa Europe din kasi si Arnold at pagbalik daw niya ay pag-uusapan daw nila ni Krista kung paano sasagutin ang mainit na isyung ito.

Naging hot item nga si Krista bigla dahil dati naman dedma ang mga tao sa kanya.

Gaya nitong naglabasang litratong naglaplaplapan sila ni Mocha, matagal na itong pinag-usapan pero hindi naging isyu. Pero ngayon, pinagpiyestahan na ng mga kalalakihan sa internet.

Sinubukan yata ni Mocha ang pagka-tomboy niya kay Krista dahil sinabi lang daw nitong hindi naman talaga siya tomboy pero minsan masarap ding makipaghalikan sa babae. Kaya hinamon daw nito si Krista na subukan nila kung mataypan nito.

Ayun! Kumalat na ang litrato nila at pinag-uusapan na naman ngayon.

Meron din daw kuha si Krista na naka-panty lang sa isang eksenang kinunan sa pelikulang Marino nila ni Allen Dizon.

Next year pa yata ilalabas ang pelikulang ‘yun pero ikakalat na raw nila ang kuhang ito para kahit papa’no makatulong naman siguro sa promo ng pelikula. Pero ewan ko lang kung makatutulong dahil ang nega ng dating ngayon ni Krista kaya hindi ko sure kung tatangkilikin siya ng mga tao. Siguro mga kalalakihan ang magkakainteres dahil ang dami na kasi nilang naririnig tungkol dito sa anak ni Mat.

Ngayon ay nagugulo na rin ang buong pamilya ni Krista at pati nga si Gloria Sevilla na lola nito ay ginugulo na rin ng media kaya nu’ng tinatawagan ito ng Startalk staff namin, hindi siya sumasagot.

Pero dapat na magsalita na ang isa sa kanila para malinawan na at maipagtanggol naman nila ang kanilang sarili.

Pinagtawanan na lang ni Mark Herras itong inilabas na namang isyu ni Tita Swarding na may nabuntis daw ito.

Pangatlong beses na yatang naisyu si Mark nang ganu’n pero wala namang napatunayan itong mga babaeng gusto lang mapag-usapan.

Hinahamon ni Mark na maglabas ng pruweba itong babaeng nagki-claim na nabuntis daw niya, at kayang harapin daw ito ni Mark dahil natitiyak niyang wala naman talaga.

Hindi nga raw niya kilala ang babaeng ito pati ang dance group nila kaya paano mo raw paniniwalaan ‘yang buntis isyu na iyan?

Ayaw na nga sanang patulan ito ni Mark pero kinukulit na raw siya ng pamilya niya at baka nga naman totoo.

Sabi daw ng Daddy niya, hindi pa siya handang magkaapo kaya gusto lang nitong tiyakin kung totoo ‘yung kumakalat na balita.

Sa dami ng ginagawa ngayon ni Mark, wala na raw siyang panahong lumabas pa at makipaglandian dahil pagkatapos ng trabaho, itutulog na lang daw niya.

Tuluy-tuloy nga naman ang taping niya sa Ikaw Sana at meron pa siyang Starstruck, at rehearsal sa SOP.

Pero kung sakaling meron nga naman daw siyang mabubuntis, hindi naman daw niya ito itatago. Pero sa ngayon ay wala raw talaga at good boy raw siya ngayon.

Sa akin naman, hindi makaaapekto iyan kay Mark. Lalaki naman siya, eh! Ang masama niyan kung sa kapwa lalaki pa siya ma-involve, ‘no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

Related Post

loading...

2 thoughts on “Mark Herras, hinamon ang ‘nabuntis’ na maglabas ng pruweba! – Lolit Solis

  1. MAY MALAKI AKONG PASABOG..! GIVE ME UR EMAIL ADDRESS.. SEND KO SAU UNG TUNAY NA PGKATAO NG BABAENG NAG CLAIM NA NABUNTIS DAW NI MARK HERRAS. MALAKING SCOPE ITO PARA SA STARTALK. DAHIL MARAMI AKONG EBIDENCYA..KUNG SAAN CYA GALING.. SA EMAIL DUN MAPATUNAYAN NI MARK NA HINDI TOTOO LAHAT AT MALINIS ANG PANGALAN NIYA..

Leave a Reply

Your email address will not be published.