Mark Herras, gustong maging psycho killer!

AFTER HIRAM na Puso, pahinga muna sa TV ang Bad Boy ng Dance Floor na si Mark Herras. Pero if ever daw na mabibigyan siya ng pagkakataong pumili ng project na gagawin sa TV, mas gusto niyo ang role na psycho killer na biglang bumabait.

“Gusto ko kung puwede sa TV, ‘yung ginampanan ni Aga Muhlach na pelikula noon. Hindi ko na maalala kung ano ‘yung title, parang psycho killer siya, nagiging mabait at nagiging salbahe, parang ganu’n. Para sa akin kasi, very challenging ‘yung ganu’ng klaseng role. ‘Yon ang gusto kong gampanan.

“O kaya action-comedy, para maiba naman sa mga roles na ginagawa ko na puro drama.”

Tsika pa ni Mark, halos drama na raw ang kanyang ginagawa, kaya naman daw gusto nitong maiba naman sa mga susunod niyang proyekto. Pero handa pa rin naman daw nitong gawin kung ano man ang proyektong ibibigay sa kanya ng kanyang home studio, dahil ang mahalaga raw ay may trabaho siya.

“Sa akin naman kasi, ang mahalaga may trabaho, kaya kahit anong project, okey lang sa akin. Hindi naman nila ako bibigyan ng project na hindi babagay sa akin. Kaya nga thankful ako sa GMA-7, dahil magagandang proyekto ang ibinibigay nila sa akin.

Meron ka pa bang gustong makatrabaho sa mga GMA-7’s leading ladies?

“Ako, kahit sino, pero mas maganda ‘yung magaang katrabaho, ‘yung magandang makisama. Pero, so far, hindi ako namimili. Kung sino ‘yung ibigay nila sa akin, okey lang ‘yun. Trabaho ang mahalaga.

Sino-sino pa ba ‘yung hindi mo nakakatrabaho? “Marami pa. Sina Sarah Lahbati, Carla Abellana, Bianca King at marami pang iba.”

Hindi ka ba nalulungkot dahil paghihiwalayin na kayo ni Kris after ninyong mag-partner sa dalawang soap at parehong mataas ang ratings at nag-click ang tandem n’yo?

“‘Yung trabaho naman natin dito sa network, hindi naman puwede na sa-sabihin mo sa itaas (big bosses) na isa lang ang puwede mong maging partner, ‘di ba? Katulad dati, ‘di ba, na-stuck ako sa Mark at Jen (Jennylyn Mercado) loveteam? Then unti-unti, ginagawa nila sa akin ng GMA, pina-partner nila ako sa iba’t ibang leading ladies. So, natutuwa ako, kasi nabibigyan ako ng pagkakataong makatrabaho pa ‘yung iba.”

 

AMINADO ANG July cover girl ng FHM at star ng GMA soap na Kasalanan Bang Ibign Ka? na si Jackie Rice na dati ay may mga natatanggap siyang indecent proposal mula sa mga DOM na kaagad naman niyang tinatanggihan.

“Dati meron, pero ngayon wala naman. Alam naman siguro nila na may boyfriend ako, at napaka-private na ng cell number ko, na konti lang kayong nakaaalam. Kaya walang possibility na may mag-text or tumawag sa akin at mag-offer ng kung anu-ano mula sa isang old man.

“Dati may nagti-text, nag-aalok ng kung anu-ano. Iniisip ko nga kung ano ba ito, nanloloko ba or kung ano? Feeling ba nila, binibenta ko ba’ng sarili ko? Sorry na lang siya, kasi hindi puwede sa akin ‘yan. Hindi ako ganu’ng babae na makukuha nila sa mga materyal na bagay.

“Pero alam ko naman na hindi natin maiiwasan ‘yung mga ganu’n. Kasi ‘yung iba, iniisip nila na ang bawat tao ay may katumbas na salapi o mamahaling bagay. Pero katulad ng sinabi ko, sorry na lang talaga sila, dahil hindi ako ganu’n. Hindi ko binibenta ang sarili ko.”

Ano’ng pakiramdam mo na dahil sa soap mo, mas nadagdagan ang mga nag-iilusyon sa ‘yo, from bagets to young professional, tapos ngayon maging mga DOM ay market mo na?

“Thankful ako if ganu’n nga ang nangyayari, kasi nadadagdagan ang viewers ng show namin. Sana mag-enjoy sila sa panonood ng soap namin at meron silang kapulutan ng aral.

 

ISA MARAHIL sa aabangan sa ilalabas na libro sa kanyang 50 years sa showbiz ng nag-iisang Master Showman na si German Moreno ang mga taong umapi rito at nag-alis ng kanyang mga top-rating show noon sa GMA-7, kasama ang That’s Entertainment, na lumikha ng maraming artista na hanggang ngayon ay visible sa showbiz.

Tsika nga ni Kuya Germs, “Bato-bato sa langit, tamaan ay ‘wag magalit!” Dahil totoo naman daw ang lahat ng ilalagay niya sa libro, walang labis, walang kulang. Kung ano ang totoo, iyon ang ilalabas niya.

Bukod sa libro ay maglalabas din daw ito ng video ng kanyang 50 years sa industriya simula nang mag silmula siya hanggang ngayon.

Hindi raw nalilimutan ni Kuya Germs ang sakit sa dibdib na dulot ng mga taong nagtanggal nang sabay-sabay sa kanyang shows sa GMA-7 nang walang kaabug-abog. Hangang ngayon daw ay nasa puso’t isipan nito kung ano ang ginawa sa kanya ng mga ito, na mababasa sa ilalabas niyang libro.

 

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

4 thoughts on “Mark Herras, gustong maging psycho killer!

  1. ay naku po..
    TAMBAKAN TALAGA NG BASURA ITONG TV5…
    pinakamataas ratings ng mga show nila 3 hahaha sila lang din nanonood show nila hahahaha

  2. hanggang ngayon parang wala pa rin namang pinagbago ang career ni mark herras, kahit anong role ang gampanan nya, kahit anong “invent”– kahit pa ipakita nya ang palitong katawan nya, walang nangyayari sa career nya. feeling ko, example ng hindi pag ungos or pang level up ng career ni mark herras kasi hindi pang matinee idol or hunk ang itsura nya, parang forever pang tweetums na lang hahahahahaha

  3. KAHIT ANO NAMANG GAMPANAN NITONG MARK HERRAS NA ITO EH WALA PA RING PINAGBAGO… BANO PA RING UMARTE HAHA! PWEDE BA MAGWORKSHOP KA ULIT. NAPAGIWANAN KA NA NINA PAULO AVELINO AT MART ESCUDERO

Leave a Reply

Your email address will not be published.