Mark Herras, gugulpihin ang manliligaw kay Ynna Asistio

NANUMBALIK NA ulit ang closeness nina Mark Herras at ex-girlfriend niyang si Yna Asistio. Nagpunta pa nga ang aktor sa birthday celebration kamakailan ng dalaga.

Marami tuloy ang nagtatanong kay Mark kung napag-isipan at napag-usapan na ba nila ang tungkol dito?

“Well… hindi pa!” nangiting sabi ni Mark nang makausap namin. “Hindi, kasi I mean, ayaw muna namin ng magulo. Kasi, parang ang daming opportunities na napupunta rin kay Ynna sa ngayon. Ako rin, sobrang busy ako. Wala man akong regular show ngayon, pero kaliwa’t kanan ang guestings ko. Sobrang daming regional shows. And bukod do’n sa regional shows, may ibang shows pa out of town.

“So, alam mo ‘yon? Maganda ang nagiging takbo ng career naming dalawa. At ayoko munang maging complicated ‘yon. At least, parehas naman kaming masaya. At ‘yon, okey naman kami.”

Friends lang daw ang samahan nila ngayon. Sakaling may manliligaw kay Ynna o kaya ay may liligawan siya, kailangan bang ipapaalam nila ito sa isa’t isa?

“Hindi na. Hindi naman. Wala namang… parang hindi naman namin right sa isa’t isa ‘yon na sabihin naming… o, teka manliligaw lang ako, ah! ‘Di ba parang nakakaloko naman? Pero wala. Ako naman kasi, wala pa naman akong nakikita or planong ligawan as of now. Kasi nga, parang ini-enjoy ko muna ‘yong trabaho ko. Kasi sobrang ang daming opportunities na dumarating sa buhay ko ngayon. So, kumbaga, ito muna. Trabaho muna talaga.”

Paano kung may manligaw kay Ynna? “Ano ang gagawin ko?” nangiting reaksiyon niya.

Magsiselos siya? “Selos? Ah… manggugulpi ako! Gugulpihin ko ‘yong manliligaw! Hahaha! Pero… hindi. Wala naman. Okey lang. But alam ko, wala.”

Kung halimbawang mabalitaan niyang may nanliligaw na kay Ynna, sasabay rin ba siyang ligawan ulit ito?

“Do’n ako malakas. Na… hindi ko kailangang manligaw!” natawang biro ulit niya. “Hindi naman ‘yon sa… kunwari may nanligaw kay Ynna, manliligaw din ako sa kanya? Hindi naman ako gano’n. Basta kami, masaya kami sa kung anuman ‘yong meron kami ngayon.”

Ganyan?

 

SA SIMULA pa lang na nag-artista sila, napagkukumpara na si Dominic Roco at ang twin brother niyang si Felix Roco. And now that he is portraying the role bilang kaagaw ni Sid Lucero sa pag-ibig ni Heart Evangelista sa pinakabagong panghapong serye ng GMA-7 na Magkano Ba Ang Pag-Ibig?, may mga nagsasabing naungusan na raw niya ang kanyang kapatid.

At mabigat ang kanyang ginagampanang role bilang isang mentally-retarded. Anak siya ng isang donya portrayed by Celia Rodriguez na siyang mag-aalok ng malaking halaga kay Heart para magpakasal sa kanya.

At sa first few episodes nitong umere na, nakabibilib ang acting ni Dominic. Parang mas magaling nga raw siyang aktor kesa sa kakambal niyang si Felix.

“Hindi ko po masasabi ‘yon,” reaksiyon ni Dominic. “Ako, honestly hindi porke kapatid ko si Lex (tawag niya kay Felix) pero sasabihin ko na mas magaling siya sa akin. Kasi sa kanya ko nakita kung paano umarte. Kumbaga, siya ‘yong mentor ko. And… nagtutulungan lang naman kami talaga, eh. Wala kaming sibling rivalry.”

Ano ang advantage ng pagkakaroon niya ng kakambal na aktor ding gaya niya?

“Wala akong masasabing advantage, eh. Uhm… ang disadvantage para sa akin is mahirap i-differentiate ako from Lex. So, buong buhay ko, I wanted to differentiate myself from him. Pero as twins, talagang magkarugtong kami sa maraming bagay, eh,” nangiting sabi pa ni Dominic.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Mark Herras, gugulpihin ang manliligaw kay Ynna Asistio

Leave a Reply

Your email address will not be published.