Mark Herras, ginagamit lang si Jennylyn Mercado?

Mark-HerrasNAIRITA PALA si Mark Herras sa mga fans na nagagalit sa kanya dahil sa tingin daw nila nagkabalikan sila ni Ynna Asistio at ginagamit lang daw si Jennylyn Mercado para maibalik daw ang career.

Siyempre, nairita si Mark nu’ng tinanong ito sa presscon ng Rhodora X na magsisimula na sa GMA Telebabad sa Lunes.

Sabi nga niya, wala raw pakialam ang mga fans sa personal niyang buhay. Hindi naman daw sila nagkabalikan ni Ynna porke’t nakikita siyang kasama pa rin sila, at pumupunta du’n si Mark.

Sabi nga niya, “’Pag nakitang magkasama, nakaakbay ako kay Ynna, nagkabalikan na agad?!”

Wala na raw silang pakialam basta nagtatrabaho lang daw siya at never daw niya ginagamit si Jennylyn.

In fairness naman dito kay Mark, wala akong nabalitaang nanggagamit ‘yan at maayos naman ang samahan nila ni Jennylyn sa bago nilang drama series.

NIlinaw nitong hindi sila nagkabalikan ni Ynna at kulang na lang gusto nang sabihin ni Mark ang “I don’t owe you an explanation!”

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.