Mark Herras, ‘di na raw teenager para mag-deny pa tungkol sa lovelife

Mark Herras

Mark Herras

Ayaw nang magsinungaling ni Mark Herras tungkol sa kanyang lovelife. Matanda na raw siya para mag-deny pa kaya very open siya tungkol sa estado ngayon ng relasyon nila ni Wynwyn Marquez.

Sa presscon ng new soap opera niya sa GMA-7 na “Sa Piling Ni Nanay’, sinabi ni Mark Herras na masaya siya sa kanyang lovelife ngayon.

“Eh, ako naman, ayoko rin talaga na nagsisinungaling ako. ‘Yung sa amin ni Wynwyn, we’re just keeping it na hindi naman sobrang public, kung napansin n’yo naman, hindi kami nagsasabi ng dates, hindi kami nagsasabi ng mga private things about each other. I mean, we’re just happy kasi marami ring natutuwa sa amin,” kuwento ng aktor na kapareha sina Yasmien Kurdi at Katrina Halili sa “Sa Piling Ni Nanay”.

Masaya rin ang actor na maraming natutuwa sa relasyon nila ni Wyn.

“Maraming positive na feedback sa aming dalawa and especially ‘yung sa part ko. ‘Di ba, kasi laging may mga sinasabing kung anu-ano tungkol sa akin? At least ngayon, mas more on positive talaga. Nakatutuwa.”

Ayon pa kay Mark, mas motivated siya ngayon na ayusin pa ang kanyang buhay dahil sa influence ni Wynwyn.

“Si Wyn lang naman ‘yung nagpu-push sa akin lalo na sa magagandang puwedeng gawin. Si Wyn talaga ‘yung tumutulong sa akin,” sambit pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.