Mark Herras, astang daddy ng anak ni Jennylyn Mercado – Ruben Marasigan

KUMBINSIDO NA KAMI na hindi press release lang ang magandang samahan ngayon ng dating magkarelasyon na sina Jennylyn Mercado at Mark Herras.

Noong una kasi, dahil nagbabalik-tambalan ang dalawa, inakala naming put-on lang ito para pakiligin ang fans nila.

Not until we saw them sa dressing room ng Eat Bulaga kamakailan nang sabay silang mag-guest.  Kasama ni Jennylyn that time ang kanyang anak kay Patrick Garcia.  At nakita naming kung gaano ka-close ang dalawa.  Iisipin mo talaga na sila ulit.

Close rin si Mark sa anak ni Jennylyn na buong giliw pa niyang kinakarga-karga as if siya ang daddy ng bata, huh!  At wala namang masama kung umakto siyang parang daddy kasi inaanak naman niya ito.

Nang mag-guest si Jen sa Showbiz Central last Sunday, mismong si Mark ang nagtatanong through VTR na kung sakaling manligaw ulit ito sa kanya, may posibilidad ba na sagutin ulit niya ang binata. Wang kagatul-gatol na oo agad ang naisagot ni Jen.

NALOLOKA SI KRIS Bernal kung bakit may lumabas na balitang nakita raw siyang nakikipaghalikan kay Carlo Aquino  sa isang sikat na coffee chain sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.  OA naman daw ang isyung iyon, reaksiyon ng young actress.

Pero aminado naman ang dalaga na nag-coffee nga raw sila one time nitong si Carlo.  Pero matagal na raw iyon.

Eh, si Carlo, sa gawing Don Antonio Heights (sa Filinvest)  malapit sa Commonwealth Avenue nakatira.  Hindi nga kaya ‘yong inamin ni Kris na minsan silang nagpunta sa branch ng kilala coffee chain, baka iyon din nga ang sinasabing they were seen kissing each other.

Pero matigas ang pagkakatanggi nitong si Kris.  Friends lang daw sila ni Carlo kaya paano raw mangyayaring maghahalikan sila.

SABI NI KC Concepcion,  pinilit niyang ma-Filipinize ang character ni Vivian sa Pinoy version ng Lovers In Paris.  Pero ang dating sa amin ay parang siya as a person ang na-Filipinize.

Having been born by her famous Megastar Sharon Cuneta and   Gabby Concepcion, lumaki at nagdalaga siyang sanay sa komportableng buhay and sheltered from everything, at talagang sa Paris pa nga nag-aral at nagtapos ng college.

Lumalabas siya ng bahay na kundi hindi mga chaperone at yaya ang kasama, eh, mga bodyguards.  May mga pagkakataon nga umano na kakuntsaba pa niya ang kanyang lolang si Mrs. Elaine Cuneta para lang sa mga simpleng bagay na gusto niyang maranasan.

Sa taping ni KC ng LIP ay ikinatutuwa ng dalaga na maranasang mapunta sa depressed areas na bahagi ng mga tagpong kasama ang dalaga since mahirap lang ang papel niya sa seryeng pinagtatambalan nila ni Piolo.  It was through this na nasilip niya at napasok ang mundo ng mga naghihikahos sa buhay.  From which she has learned a lot daw at nakapagpalawak pa ng pananaw niya sa buhay.

Good for KC dahil mas lalo siyang naging mabait at magiliw sa pakikisalamuha sa iba’t ibang klase ng taong kanyang nakakaharap.  Mas naging down-to-earth siya na hindi mo aakalaing produkto ng isang mayaman at prominenteng pamilya.

Kaya for us, siya ang na-Filipinize.  Mas naging masang-masa at simple ang personalidad niya ngayon.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

7 thoughts on “Mark Herras, astang daddy ng anak ni Jennylyn Mercado – Ruben Marasigan

  1. grabe kayo di nyo naman naranasan ung pinagdaanan nya para husgahan nyo xa ng ganyan….

    nasaktan yung tao hintayin nating mawala yung trauma nya sa nangyari, sabi nga nya “in God’s time”, in God’s time maayos din ang lahat…..

    at hindi totoong nalalaos na xa noh marami kami na sumusuporta sa kanya..mataas kaya ang rating ng Ikaw Sana nila ni Mark..

  2. bakit ba pilit pang nirerevive itong chipanggang baduday na loveteam na itetch! magsi-uwi na nga kayo sa mga probinsya nyo’t magtanim na lang kayo ng kamote! kadiri!!!!

  3. Hay!!naku sa iyo Jen..,gimik na naman ba ito??alam mo hindi na kayo naka2tuwa ni Mark tingnan kasi mas matured ka pa tingnan kesa sa kanya at isa pa napalipasan na kayo..puro ka sat2x kesyo ayaw monh lumipat sa kabilang istasyon eh hindi ka nga pumirma mg exclusive contract sa gma kasi naghi2ntay ka mg offer ng ABS sa ‘yo..,tingnan ko lang kung hanggang saan yang mga sat2x mo.,i’m sure kung may offer ang ABS sa ‘yo tiyak lilipat ka..sinong niloko mo.,wa epek ng kadramahan mo..,kahit ano pang gawin mo hindi kana muling sisikat.,sana magpakumbaba ka naman minsan kaya siguro hindi ka na sumisikat kasi ang yabang2x mong magsalita parang kung sinong sikat..,

  4. jennelyn wag masyadong OA day, baka sa kahulihan lapitan mo rin si Patrick .

    Mabuti nga at may interest si Patrick na makita ang anak mo kaysa walang paki alam gaya ng iba.

    malalaos ka rin akala mo habang buhay kang nasa taas.

  5. cheffff ano na nmang gimik yan… payo lang jennylin khit anong mangyari c patrick pa rin ang tatay ng anak mo wag mong paabutin sa point na pagdating ng araw sisihin ka ng anak mo bkhit dimo siya inilapit sa tatay niya… bb pa yang bata prang ginagamit mo na pra mkbalik ka sa limelight, kung pd nga lang mging grounds 4 child abuse yang ginagawa mo ppbantay bata kita..

    • pero d mo rin kc masi2c c jen lalo na at minsan ng
      itinanggi ni patrick n sya ang ama nung bata….dba
      mas mskit un lalo na pagnlaman nung bata paglaki n2 n
      minsan n syang pinagdudhan ng srili nyang ama?

  6. WALA NA KASING CAREER KYA IBINABALIK ANG LOVETEAM NANG DALAGANG INA!BAKA NMAN TLAGA SI MARK ANG NAKATUHOG SA KANYA B4 PATRICK.AMININ NYO NA MGA LINTIK KAYO!

Leave a Reply

Your email address will not be published.