Mark Herras, ang laki ng ‘notes’

ANG TSIKA AY unti-unti na raw ibinabalik ang mga gamit ni Willie Revillame sa dati nitong dressing room sa Wowowee.

As of two days ago, hindi raw ito totoo. Wala pa raw dumarating na mga gamit ni Willie.

INAANTABAYANAN ANG PAGBABALIK ni Willie sa Wowowee sa July 31, Sabado. Saka lang ito magiging totoo kapag napanood na natin siya.

But the latest we heard, sometime in August na raw ang balik ni Willie, dahil kung may clamor na siya’y dapat nang bumalik, meron ding clamor thru e-mails na ‘wag nang pabalikin ang TV host.

KUNG KAMI ANG tatanungin, kung sakaling makakabalik si Willie ay sana, mapatunayan niya sa kanyang mga detractors na siya’y nagbago na, na siya’y hindi na uulit sa dating inasal, bagong Willie na walang poot sa dibdib at hindi marunong maghiganti.

Minsan lang tayong mabubuhay, gawin na natin ang kung ano ang kalugud-lugod kay Lord.

ANG LAKI NG notes ni Mark Herras. Napatunayan namin ‘yan nang um-attend kami sa binyag ng anak ni Paolo Contis.  Dumating si Mark sa reception kasama ang dyowang si Ynna Asistio.

Ninong si Dingdong Dantes at isinama si Marian Rivera na ex-girlfriend ni Mark. Ang dyowa naman ni Paolo na si Lian ay ex-girlfriend din ni Mark. O, hindi ba naman at ang laki-laki ng notes ni Mark?

Ang nakakatuwa, kaibigan pa rin ni Mark ang dalawang ex-girlfriends.

KUNG GUSTO N’YONG tumawa at hindi naman kayo naghahanap ng de-kalibreng pelikula na kailangang humakot ng awards, panoorin n’yo ang Hating Kapatid.

Sa panahon ngayon na kahit nagbago na ang gobyerno eh, aminin naman nating hirap pa rin ang ating mga kababayan.  ‘Yung ipanonood nila ng sine siguro ay ibibili na lang nila ng tatlo o apat na kilong bigas.

Pero kung gusto mong makalimot o makatakas pansamantala sa mga problema mo, panoorin mo ang pelikulang ito nina Judy Ann Santos at Sarah Geronimo, dahil ito ang pelikulang magpapaihit sa inyo sa katatawa.

Wa ek. Naluha kami rito sa katatawa. Lalo na ‘yung burol scene ni Luis Manzano.

Hindi na namin ikukuwento, panoorin n’yo na lang.

Siguradong sa pagbabalik ni Willie sa Wowowee, may lamat na ang dating magandang samahan at pagkakaibigan nito at ni Pokwang.

“Oo. Meron na ‘yon. Knowing Willie, siyempre hindi lang mambabastos ng babae iyan. At ayaw rin niyang may mawalan ng trabaho, gano’n,” panghuling nasabi ni Tita Cristy.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleZanjoe Marudo, nagsisisi sa pag-iwan kay Mariel Rodriguez?!
Next articleWillie Revillame, ayaw RAW ng may nawawalan ng trabaho!

No posts to display