Mark Bautista, naka-recover na raw sa break-up nila ng non-showbiz girlfriend

MARK BAUTISTA is celebrating his 10th year in showbiz. At kaugnay nito, he will be having a concert entitled The Sound Of Love on August 9 sa Music Museum. Special guest niya rito sina Anne Curtis at Regine Velasquez.

“Silang dalawa kasi ang malapit sa buong career ko,” aniya. “Si Anne ‘yong first na leading lady ko sa music video ko na I Need You. And si Ms. Regs (Regine) naman, siya ‘yong first mentor ko sa showbiz.”

Ilang buwan pa lang ang nakararaan since Mark broke up with his non-showbiz girlfriend. Naka-recover na raw siya mula rito.

“I’m happy and ready to mingle. Ready na ulit ako to fall in love again. Of course!” sabay ngiti pa niyang dugtong.

“Na-realized ko na kailangan mo palang maramdaman iyon sa buhay. Kasi, iba pala ang naibibigay no’n na inspirasyon. Iba ang naibibigay nito sa ‘yo na pananaw sa buhay.

“Actually… masarap din sa isang banda ‘yong single ka. ‘Yong parang… wala kang iniisip na oras. Walang tumatawag sa ‘yo na… oy, ganyan-ganyan. Either way. Uhm… pero siyempere kapag iniisip mo na… like ako, ang gusto ko talaga ay ‘yong parang kumbaga may nagga-guide sa akin na babae.”

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.