Mark Bautista, kumpirmado na ang paglipat sa Siyete!

CONFIRMED! YES, HINDI na nga mapapanood sa darating na Linggo ang hunk singer na si Mark Bautista sa ASAP XV. Last week nga ay blind item namin itong si Mark dito sa aming column. At ‘eto na nga ang totoo, nag-ober da bakod na nga siya sa GMA-7 at tuluyan na ngang iiwan ang kanyang dalawang kasamahan sa Viva management na sina Sarah Geronimo at Rachelle Ann Go.

Matunog ang balita na bongga raw ang TF ngayon ni Mark kung iku-compare sa ASAP na suweldo niya.

Kaya naman hindi puwedeng dedmahin na lamang ng kanyang manager.

Ang isa pa raw na dahilan kung bakit nagdesisyon sina Mark na lumipat ay dahil sa dalawang beses lang sa isang buwan ang exposure ni Mark.

Sa bagong show na Party Pilipinas, bongga nga raw ang kanyang exposure at every week ay mapapanood na siya ng kanyang mga fans.

Kung gano’n, hindi malayong dumating ang araw na lumipat din sina Sarah at Rachelle. Alam mo naman ang showbiz, sa isang saglit may mangyayari.

E, ‘di nga ba nu’ng una ay sa TV5 ang balitang paglipat ni Mark? E, mas bongga ang offer ng GMA-7 kung kaya naman hindi na sila tumanggi. Win ang GMA-7 over TV5 kay Mark.

‘Yun na!

BLIND ITEM: NAGTATAKA ANG ISANG very reliable source sa kanyang nakita nu’ng minsang magpunta siya sa isang sosyal na mall d’yan sa may Quezon City.

Nakita lang naman daw niya ang isang kilalang male diretor na lumabas ng isang sinehan na may kasamang guwapong bagets na may katangkaran.

Iba nga raw ang naramdaman ng aming source nang gabing ‘yon. At kung bakit may bagets na kasama ang male director, biglang may kumuwestiyun sa kanyang isipan sa kasarian ng director.

At feeling nga niya ay nananaginip siya sa nakita. Mas madalas daw kasing babae ang kasama nito, pero bakit nu’ng oras na ‘yun, lalaki na tipong model ang kasama.

Well, naku! Sana naman hindi totoo ang nasagap naming tsika, baka kasi ma-turn off na sa kanya ang kanyang mga fans.

Mahusay pa naman siya. ‘Yun na!

MUKHANG NAGKATOTOO ANG tsikang may nakaumang nang korona para kay Krista Arrieta Kleiner aka Krissa Mae Arrieta na artista ng GMA-7. Noong Sabado nga ay nanalo siyang Bb. Pilipinas-International at siya ‘yung candidate no. 1.

Pero sa napnood namin, mukhang lumaban naman siya at talagang deserving naman niya ang kanyang titulo. Nanalo nga rin siyang Best in Swimsuit. Kay may ‘K’ naman siyang mag-win.

Pagtatanggol nga ng kanyang kampo, “Sabihin na nila ang lahat, basta dapat irespeto ang mga judges, at matalino na, maganda pa ang alaga namin,” sey pa nila.

Marami rin ang nalokah nang tawagin ang nanalong Bb. Pilipinas-World, siya lang naman ang sumagot ng Tagalog sa question and answer. Pero siya pa rin ang nanalo.

Ang tanong, naintindihan kaya ng mga hurado ang kanyang isinagot?

Naku sabihin na nilang lahat, luto man o hindi, si candidate number 21 Czarina Catherine Gatbonton ang title holder.

‘Yun na!

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

15 thoughts on “Mark Bautista, kumpirmado na ang paglipat sa Siyete!

  1. Sana s 5 na lang siya. Baka nga hindi magtagal ang Party Pilipinas. Maganda pa naman ang boses niya. Maawa naman ang ibang posters dito. Walang trabaho ang tao kaya naghahanap nang greener pastures. Hope he made the right decision . Good luck na lang sa kanya.

  2. agree aq kay putatching d2 sa amin din kung wla kang tfc wla din yang pin0ytv per0 kung d ka ku2ha ng pin0ytv okz pa din may tfc ka prin hahaha prang free lng ba ang pin0ytv mag add lng ng 10buckz lol

  3. bading sya at sobra sa pagkamin as in paminta.. ang kabaklaan minsan di na dapat inaamin ang dapat nirerespeto nalang.. un lang diba mark…

  4. Si mark lang ang inaabangan namin ng mga friends ko dito sa USA via TFC ASAP. ngayong lilipat na pala sya, wala ng dahilan para ituloy pa namin ang subscription sa TFC. kung nasan c mark, dun kami kaya we will immediately contact PTV ( GMA Pinoy Tv).

    • im sorry, mahilig ka bang mag copy paste? fan ka siguro ni mark bautista no? di nga? di mo ba alam na nakabundle ang PINOYTV sa TFC? at ni-request yan ng GMA-7 mismo, so kung walang TFC, walang Pinoy TV, gets mo? o kelangan pang maging teknikal?

      • san yan dear sa usa ba?
        kc d2 sa japan pinoy tv ang solo tfc ang nki2kbit sa sky perfect

      • hehehehe. mas nauna ang tfc sa pinoy tv sa mga japayuki. sino ang mas naunang kabit ng sky perfect? cno mas malaki filipino population between japan compared sa u.s.? do ur math na lang para hindi ka nagmumukhang tanga

  5. Hindi naman kawalan nang abs-cbn or asap xv si mark bautista eh Kaya okay Lang kung wala siya, kasi napansin ko everytime nagpe2rform siya sa asap xv wala manlang nag checheer sakanya.. Kaya sana sa gma nalang siya forever kasi ayaw ko rin siya kapag nagpeperform hahahahaha.. asap xv dapat para sa mga sikat Lang so hndi siya bagay doon wahahahaha..

  6. delikado c mark bautista. at least me 2x a month exposure sya dati sa asap, ngaun, baka isang buwan pa lang ng party pilipinas e tigbakin na sa ere at lalong mawalang siya ng exposure. hehehe. good luck sau.

Leave a Reply

Your email address will not be published.