Mark Bautista, careful with courting Sarah G.

HATAW AGAD SA trabaho si Mark Bautista pagkagaling ng America for a series of shows sa US with Sarah Geronimo, Billy Crawford at ang British Got Talent finalist na si Charlie Green. Sa Heritage Forum, Anaheim, California, isa sa mga una nilang concert, sold-out agad ang tickets, produced ng ABC Entertainment.

Released na ang bagong single ni Mark na “Sana’y Dinggin Mo”na ginawa ni Jimmy Borja from his new album entitled “I’ll Be The One,” at ang duet with Sarah under Viva Records. Inihahanda na rin ang birthday concert niya this coming August sa Aliw Theater.

Ibang klaseng saya ang nararamdaman ni Mark kapag napag-uusapan si Sarah. “Sa ngayon, we’re good friends. ‘Yung relationship namin ni Sarah, mas komportable na kami sa isa’t isa. Sobra ‘yung priority niya ngayon sa buhay, nirerespeto ko ‘yung priority niya sa career niya, sa family niya. Siguro mas maganda ‘yung relationship namin ngayon as friends. We’re really really close lalo na noong nasa States kami,” pasimulang wika ni Mark

Hindi ipinagkakaila ni Mark na may pagtingin siya sa Pop Princess. “Oo, alam naman niya, aware naman siya.Hindi kasi siya ‘yung tipong minamadali ang lahat. Gusto niya, dahan-dahan. Takot kasi siyang magkaroon ng relationship,” mabilis na tugon ng binata.

“Sabi ng parents niya, sa panahon ngayon nakakatakot na. Sa mga kabataan, maraming disgrasyang nangyayari. Siguro, isa rin ‘yun sa factor kung bakit ingat na ingat si Sarah, alam mo ‘yun. Sabi ko nga sa kanya, nandito lang naman ako kung mapag-isip-isipan niya, alam mo ‘yun,” dugtong pa ni Mark na seryoso sa kanyang binitawang salita.

Kailangan na-realize ni Mark na may pagtatangi pala siya kay Sarah? “Years na kaming magkasama, na-develop na lang ‘yan. Six years na kami sa business. From being good friends, alam mo ‘yun, 2 years ago nag-show kami sa Alaska. Ang right terms ko d’yan, mas na-appreciate ko siya noong tour namin 2 years ago, mas na-admire ko siya nang sobra.”

Tipong may pagasa yata si Mark sa panliligaw  sa young singer/actress para sabihin nitong willing ba siyang maghintay. “Yun na nga, hahaha! Sobrang sweet si Sarah, isa ‘yun sa quality na talagang nagustuhan ko sa kanya. Will see, time lang ang makakapagsabi, hindi ko masasabi for now,” simpleng sagot niya.

Okey lang ba kay Sarah na manligaw si Mark sa ibang babae? “Nagbibiruan nga kami on stage. Niloloko nga niya ako, minsan nagkukuwentuhan kami. Ano ba, Mark? Ang tanda-tanda mo na wala ka pang girlfriend? Sabi ko, ikaw kasi! Hahaha! Ginaganoon niya ako, hindi ko alam kung ano ang gusto niyang i-project. Kasi, kung minsan si Sarah candid, kuwela, bata pa rin kahit papano. Alam mo, nagma-mature na siya, nandoon pa rin ‘yung pagiging totoo niya.” Papuring wika ni Mark na seryoso na sa pangliligaw.

Sa pakiramdam ni Mark, na-appreciate kaya ni Sarah ‘yung ginagawa niya para sa dalaga ? “Sana. Si Sarah naman hindi ka babastusin or something, ipinapakita naman niya kung ano ‘yung gusto niyang ipahiwatig in a nice way. Ayaw rin naman niyang masaktan ‘yung lalaki …”

Si Mommy Divine, (ina ni Sarah Geronimo) hindi ba tutol sa panliligaw sa kanyang anak ? “Sa tagal na magkakasama kami sa concert abroad, may time na nagkakasakit ako. Sila itong nagbibigay ng gamot, na-appreciate ko ‘yun. Sila ‘yung nag-alaga sa akin, si mommy at si daddy. ‘Yung gamot ko sa boses, sila pa ‘yung nagbigay, binigyan nila ako ng hot water na may something,”pagmamalaking  kuwento  Mark Bautista na umaasang darating ‘yung tamang panahon na makakamit niya ang pagmamahal ni Sarah Geronimo.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.