Mark at Jennylyn, nag-enjoy sa Dubai!

NAGING MASAYA RAW ang show at nagsilbing bakasyon na rin kina Mark Herras, Amang Enriquez at Jennylyn Mercado kasama ang GMA Artist Center handler na si Diane Evangelista sa Dubai hatid ng Pinoy TV.

Bukod sa show, picture taking at autograph signing sa kanilang mga tagahanga, ‘di rin pinalagpas ng grupo nina Jennylyn at Mark ang maglibut-libot sa ilang magagandang lugar sa Dubai katulad ng Dubai Aquarium, kung saan namangha sila sa iba’t ibang hayop na matatagpuan sa kailaliman ng karagatan. Pinasyalan din nila ang Sahara Desert at iba pang disyerto sa Dubai, at ilang shops sa Dubai, kung saan bumili sila ng mga pasalubong. Nilibot din nila ang ilang restaurants sa Dubai at kumain ng iba’t ibang putahe na sa Dubai lang matitikman.

At kahit nga mainit ang klima sa Dubai, nag-enjoy daw nang husto sina Mark at Jennylyn, kasama ang buong grupo. Kaya naman daw ‘di sapat ang ilang araw na pamamalagi sa nasabing bansa at nangako ang mga itong babalik muli para mas malibot pa at makita ang ganda ng Dubai.

By John Fontanilla

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Mark at Jennylyn, nag-enjoy sa Dubai!

  1. Pingback: Mark at Jennylyn, nag-enjoy sa Dubai! | DubaiBIZZ.net

Leave a Reply

Your email address will not be published.