Mark Anthony says yes to Alma’s being wed, no to Lorna

Showbiz Ambus
by Ambet Nabus

OPENLY, MAS PINAPAYAGAN ni Mark Anthony Fernandez ang ina niyang si Alma Moreno na mag-asawa at magpakasal uli, kesa sa Tita Lorna Tolentino niya.

“Hindi naman sa totally ayaw ko, pero kasi hanggang sa huling sandali kasi nila ni Papa (ang yumaong si Rudy Fernandez), matindi ang kanilang pagmamahalan at pagliligawan. Siguro umiiral lang ang pagka-romantic ko at pagiging fan ng love affair nila,” ang kuwento ni Mark nang makausap namin ito sa presscon ng All About Eve, ang bago niyang teleserye sa GMA 7.

Kaya raw niya hindi tinututulan ang napapabalitang pagpapakasal ng inang si Alma Moreno ay dahil sa matagal na ring panahon na wala itong buhay-pag-ibig. “At tsaka talagang nagmamahal siya eh,” hirit pa nito sabay sabing plano nga niyang hingin ang dowry ng ina dahil sa tradisyon ito sa Muslim.

Bongga nga ang karir ni Mark ngayon. Halos hindi ito nababakante sa mga projects. Sa All About Eve, siya ang muling makakasama nina Iza Calzado at Sunshine Dizon, dalawa sa mga sinasabi niyang kanyang favorite. Pero nang itanong namin kay Mark kung pabor siya sa pagkakaroon ng higit sa isang asawa, ‘eto ang sinabi ng guwapong aktor: “Una, hindi naman ako Muslim. Hindi bahagi ng ating tradisyon ang mga ganyan. Ikalawa, hindi naman ako ganu’n kayaman para mag-maintain ng higit sa isa. Tsaka ikatlo, hindi ko yata kayang maturuan ang puso kong magmahal ng sabay-sabay,” humahalakhak pa nitong tsika.

OF COURSE HINDI ganyan ang paniniwala ng Muslim convert na si Robin Padilla.

Pero sa ngayon nga, hindi naman pumapasok sa utak niya ang magkaroon pa ng ibang pamilya bukod sa kung anong mayroon siya ngayon.

“Busy talaga, ‘tol sa mga projects. Magpapasalamat na lang ako sa marami at magagandang blessings na gaya nito,” paliwanag ni Binoe na bida naman sa pelikulang Sundo, muli ng GMA Films.

Subalit kahit ang mga gaya nina Rhian Ramos, Sunshine Dizon at Katrina Halili na kasama niya sa movie, nagkakaisa sa pagsabing hindi mahirap mahalin ang isang Robin. Very consistent daw kasi ito sa pagiging gentleman, mabait at sobrang maasikaso.
“Pero nasa babae na siguro ‘yun kung paano nila babasahin ang mga ganu’ng gestures,” paliwanag ni Sunshine.

“Sino ba naman ang hindi mai-star struck sa isang Robin Padilla? Kahit nga mga kasama naming lalaki, sobrang napapatulala sa kanya,” hirit naman ni Rhian.

Isang dating sundalo na nagkaroon ng war shock at nakakakita ng mga malalagim na pangitain ang papel ni Binoe sa Sundo. Ipalalabas ito ngayong Marso bago mag-Mahal na Araw. At dahil ang anak-anakan naming si Direk Topel Lee ang nasa likod ng mga kamera nito, tumataya kaming isa naman itong maganda, makabuluhan at tunay na nakatatakot na pelikula. Believe us, isang tatak po iyan ni Topel na mahirap kontrahin, kaya’t huwag nang magpasundo sa iba, hahaha!!!

ANO NAMAN ANG drama ng isang dating sikat na TV host ng isang malawakan at sikat na sikat na TV show?

Aba’y kung umasta raw ito sa isang show na kanyang binisita lately, ‘feeling sikat at pinagkakaguluhan’ pa rin siya?

Mas pinili kasi ng host na subukan ang ibang bansa para sa kanyang ‘international career’ kuno kaya’t kahit na sumisikat na siya rito noon, hindi ito nagpapigil sa pag-alis.

Ngayong nasa bansa ito, panay ang ikot nito sa mga shows para mag-guest at ibalitang nagkaroon naman ng bunga ang sinasabi niyang karir abroad. ‘Yun nga lang, mukhang siya lang ang nakaaalam.

Basta ang nais ipayo ng mga impormante namin sa kanya ay eto, “’pag wala ka na sa ‘Pinas at hindi ka na sikat, huwag kang feeling diva o reyna.”

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.