Mark Anthony Fernandez & Yasmien Kurdi: Give Love a Chance

Yasmien-Kurdi-Mark-Anthony-FernandezMARK ANTHONY FERNANDEZ
Real Name: Mark Anthony Lacsamana Fernandez

Birthdate: January 16, 1979
Zodiac Sign: Capricorn

YASMIEN KURDI
Real Name: Yasmien Yuson Kurdi
Birthdate: January 25, 1989
Zodiac Sign: Aquarius

ISANG MALAKING surprise para sa mga Kapuso viewers ang pag-klik ng tambalan nina Mark Anthony Fernandez at Yasmien Kurdi. Malaki ang age gap at pareho nang happy sa kani-kanilang family life, hindi akalain ng madla na mas kikiligin pa sila sa NicoGela kaysa sa MarkJen, na supposedly ay pambato ng programa sa kiligan.
Maituturing na isang successful story ang showbiz comeback ng dalawang stars. Many years ago, Mark Anthony Fernandez was sent to rehab due to drug addiction. Napatunayan ng anak ni Daboy at Lovely-ness na kung gustong magbago, posible ito. Nanganak na sa isang cute baby girl si Yasmien Kurdi bago pa niya ipinakilala sa publiko ang asawang piloto. Magandang acting vehicle ang Rhodora X para sa dalawa.
Pamilyado at may kilig sa masa. May chance ba ang Mark Anthony-Yasmien team-up kung sakali?
Ang pagsasamang ito ay masasabing ‘best’ and ‘worst’. Parang panahon lang! Minsan ay sobrang okay, pero may mga oras din na halos hindi nila ma-take ang isa’t isa. Praktikal, consistent at may paninindigan ang Capricorn. Ang aquarius naman ay creative, madiskarte at may pagka-sensitive. Career-wise ay swak na swak sila.

Ang problema sa dalawa ay madalas na maisasantabi nila ang usaping pag-ibig dahil importante ang career para sa kanila. Dahil dito, madalas na naeetsa-puwera nila ang kapares at minsan pa nga, hindi nila nabibigyang-pansin ang romance kahit pa magkatabi sila gabi-gabi sa kama. Dito mag-uumpisang maging detached ang magka-partner. Sa usaping personal naman ay kailangan matutunan ng Aquarian na kontrolin ang pagiging ‘super friendly’ nito at intindihin ang pagiging family-oriented ng Capricorn. Kailangan ding mag-exert ng effort ng Capricorn na lagyan ng spice ang kanilang pagsasama.
Compromise is the keyword in this relationship. May pagkakasalungat ang dalawa pagdating sa mga personal na usapin sa buhay. Maaakit ang lalaking Capricorn sa confidence ng babaeng Aquarian, pero mao-overwhelm ito later on dahil halos lahat ng tao’y nakatitig sa kanya. P’wede ring masakal ang babaeng Aquarian sa slightly possessive aura ng Capricorn. Compromise talaga ang kailangan!
Oh well, papel. It seems na p’wede nga sina Mark Anthony at Yasmien, but they better stick to their current partners! Keribels na ang kiligan sa telebisyon!

Pares-Pares

By Madam Damin

loading...

5 thoughts on “Mark Anthony Fernandez & Yasmien Kurdi: Give Love a Chance

  1. May something sa dalawang ito na masarap panoorin. Hindi ko alam kung ano pero pag magkaeksena sila sa Rhodora X nakakakilig.

Leave a Reply

Your email address will not be published.