MARK ANTHONY FERNANDEZ, NAWAWALA NA NAMAN SA EKSENA!

ABANGAN N’YO SA Startalk bukas ang guesting ni Alma Moreno para klaruhin ang isyung naglabasang hiwalay na raw sila ng asawa niyang si Marawi City Mayor Sultan Fahad Salic.

Dapat nung nakaraang Sabado pa magsasalita si Alma para sagutin ang intrigang ito, pero hindi ito nakaalis sa importanteng meeting niya sa Tagaytay, kaya nangako siyang bukas na niya itutuloy.

Nananahimik na raw kasi siya at abala na sa trabaho niya bilang konsehal ng Parañaque, bakit may mga ganoong isyu pa raw na naglalabasan? Pati ‘yung isyung utang, hindi pa rin daw nawawala, kaya haharapin na raw ito ni Alma bukas para malinawan ang lahat.

Tingin ko naman, okay si-lang mag-asawa.

Bukod sa isyu ni Alma, baka sagutin na rin nito ang isyu kay Mark Anthony Fernandez na hindi na nagpapakita ngayon. Ano ba talaga ang nangyari sa kanya?

Isa lang ‘yan sa mga aabangan n’yo sa Startalk bukas!

SOBRANG SAYA NG dating senador na si Ramon Revilla Sr. nang ipagdiwang ang kanyang 84th birthday nung Martes sa Cavite Coliseum. Hindi niya na napigilang maiyak nang sinorpresa siya ng kanyang mga anak na isang malaking rebulto niya na ipinatayo sa tapat ng coliseum.

Nililok ‘yon ng National artist na si Eduardo Castrillo na tubong Bacoor din. Bale monumento na nga ‘yon na tinawag ng mga anak niya na ‘Monument of Love’. Katabi nito ay isang museum na tinawag nilang ‘Memo-Revilla’. Naka-exhibit doon ang mga collection at mga gamit ni Mang Ramon nung artista siya. Pati na rin ang iba niyang koleksyon nung naging senador.

Panay ang iyak ni Mang Ramon sa pinaghirapang sorpresa ng kanyang mga anak. Sabi nga niya, nung namatay daw ang mommy niya ay hindi siya napaiyak. Pero ngayon, bakit nagiging iyakin na siya?

Wala na raw siyang mahihiling pa sa kanyang kaarawan kundi sana ay mabigyan pa siya ng mahaba-habang buhay para masaksihan ang paglaki ng kanyang mga apo. At makita pa ang tinatamasang success ng kanyang mga anak.

Excited din si Mang Ramon sa nalalapit na renewal of vows nina Sen. Bong Revilla  Jr. at Cong. Lani Mercado. Hindi siya kasi nakadalo sa kasal ng dalawa sa Amerika 25 years ago, kaya gusto niya na sa silver wedding anniversary ng mag-asawa ay nandoon siya.

Pero kinukunsidera pa raw nina Bong at Lani ang kalusugan ni Mang Ramon dahil mahaba ang biyahe pa-Ame-rika, pero gustung-gusto raw nitong makadalo. Isa rin daw sa birthday wishes ng dating senador na makapagbakasyon sa Amerika kasama ang mga anak at para nandoon nga siya sa kasal nina Bong at Lani.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.