Mark Anthony Fernandez, nakabuo na naman

Mark-Anthony-FernandezNATUWA NAMAN ako sa inaanak kong si Mark Anthony Fernandez nang binalita niya sa pocket presscon ng Rhodora X na nagdadalang-tao ngayon ang asawa niyang si Melissa. Tatlong buwang buntis na raw ito at excited siya dahil malaki na rin ang panganay nilang si Cameron. Ibig sabihin, hindi totoong hiwalay sila dahil matagal na ‘yang natsitsismis na hiwalay na nga at solong naninirahan na lang daw si Mark sa condo unit nila sa Greenhills. Sabi ni Mark Anthony, okay na okay silang mag-asawa at wala silang problema. Hindi pa nga raw alam ng buong pamilya na buntis ito kaya du’n sa interview sa kanya ng Startalk sinabi niya sa Mama niya kay Alma Moreno na malapit na itong magkaroon ng bagong apo mula sa kanya. Kung si Mark ang masusunod, gusto sana niya girl, pero kung ano ang ibibigay sa kanila ng Diyos, tatanggapin nila siyempre. Boy kasi ang panganay nila ni Melissa, pero merong girl na anak si Mark sa dati niyang girlfriend pero hindi yata ito nagpapakita sa kanya. Alam ko kinuha na ‘yun ng magulang ng girl at dinala na sa Bacolod. Kaya todo kayod ngayon si Mark Anthony. Kabilang siya sa bagong drama series ni Jennylyn Mercado na Rhodora X. Malapit na raw nila itong simulan kasama sina Mark Herras at Yasmien Kurdi.

BONGGA PALA itong Rhodora X, parang reunion ng Starstruck 1 dahil magsasama-sama sina Mark, Jennylyn at Yasmien. Kulang na lang si Rainier Castillo, kumpleto na sana ang top four ng Starstruck 1. Sa February next year daw ay i-celebrate nila ang kanilang 10th anniversary at merong balak yata ang grupo. Close pa rin kasi sila at madalas nagkikita. Sabi nga ni Mark, meron na raw silang naipong funds dahil pinaghandaan daw nila ang grand reunion nila sa kanilang 10th anniversary. Alam ko, umakyat pa ‘yan sila sa mga top executives ng GMA-7 na humihingi sila ng show na pagsasamahan nilang grupo. Siyempre, hindi na riyan kasali ang ibang taga-ABS-CBN 2 gaya ni Cristine Reyes. Congratulations pala kay Mark sa successful fundraising concert nila na ginanap sa Zirkoh Morato nu’ng kamakalawa ng gabi. Pinamagatang Sayaw Pilipinas: Aahon Bayan Ko Tutulong Ako. Halos 150 thousanda pesos ang nabenta nila sa tickets at meron pang mga nagbigay ng donation, na ibibigay nila sa Kapuso Foundation na ibibigay sa Yolanda victims. Si Mark ang bumuo nito kasama si Julian Trono at sinalihan ng mga kasamahan nila sa Sunday All Stars gaya nina Jennylyn Mercado, Aljur Abrenica, JayR, Kris Bernal at marami pa.

SI CRISTINE Reyes naman ay puspusan din ang pagtulong sa pagpapadala ng relief goods sa Tacloban City. Parang naka-relate daw siya sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda dahil nangyari rin ito sa kanya nu’ng na-trap sila sa baha nu’ng Ondoy. Kung may panahon lang sana si Cristine, gusto raw niyang pumunta ng Tacloban, kaya lang puno ang schedule niya dahil may ginagawa pa itong pelikula at nagpu-promote pa sa pelikula niyang When The Love is Gone na magsi-showing na sa November 27.

Mga Mata ni Lolita

by Lolit Solis

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.