Mark Anthony Fernandez, ‘di matanggap na tinawag siyang sinungaling!

Huling interview na raw ni Mark Anthony Fernandez ang lumabas sa Startalk nu’ng nakaraang Sabado tungkol sa tampuhan nila ni Claudine Baretto.

Sa totoo lang, hindi na nga magandang subaybayan ang away nila dahil kapapasok pa lang ni Claudine sa GMA-7, may kaaway na agad. Hindi magandang tingnan at nega na.

Hindi maiwasang muling itanong ito kay Mark dahil may bagong programa siya sa GMA-7, ang kantaseryeng Diva na muling pagsasamahan nila ni Regine Velasquez at magsisimula na mamayang gabi.

Kaya nagsalita muli si Mark dahil hindi lang nito matanggap na tawagin siyang sinungaling.

Sabi ng aktor, siguro sumasablay lang daw minsan pero hindi raw siya nagsisinungaling. Wala raw sa bokabularyo niya ang magsinungaling.

“Hindi ko lang ma-pinpoint kung nagsinungaling nga ako o hindi pero alam ko, ako ang nasa mali. Tumawag ako sa kanya eh, mainit pa ‘yung ulo niya nu’ng mga panahon na ‘yun,” sey ni Mark Anthony.

Sagot naman ni Claudine, ang ikinasama lang daw ng loob niya, ang daming nawalan ng trabaho dahil sa kapalpakan ni Mark. Okay lang daw sila dahil bayad pa rin sila, pero itong mga taong maliliit daw sa produksiyon ay walang sahod kung hindi nagsisimulang mag-roll ang camera.

Anyway, nagbigay na sila ng kani-kaniyang paliwanag, siguro tama na ‘yun. Ayaw na raw magsalita muli ni Mark Anthony at si Claudine ay ayaw na ring palakihin pa ito lalo na si Raymart Santiago na naguguluhan na sa mga nangyari.

Nagsisimula nang magtrabaho si Mark. Si Claudine naman ay malapit na ring simulan ang drama anthology niya, kaya siguro, tama na nga ‘yun at patahimikin na. Dahil ang ending niyan magkakaayos din sila at magsama uli sa trabaho. Hay, naku!

Palagay ko nga, medyo emote ngayon si Mark dahil sa March 3 ang birthday dapat ni Rudy Fernandez, kaya iba ang mood niyan ngayon dahil nami-miss na naman niya ang Papa niya.

KASABAY RIN NG promo ng Diva, muling lumabas ang isyung buntis daw si Regine.

Kaya tinanong namin sa kanya nang mag-promote ito sa Startalk at itinanggi niya. “How I wish…” sagot agad ni Regine. Gustung-gusto na nga raw niyang mabuntis dahil aminado naman itong hindi na siya kabataan, pero hindi pa raw talaga kaya next issue na naman daw, sana magkatotoo na.

Ang isa pa ngang pinag-usapang buntis na rin daw ay si Judy Ann Santos, pero wala pa itong sagot.

Abangan na lang daw ang announcement niya ngayong linggong ito dahil kung totoo nga, hindi naman niya ito itatago.

NAKAAAWA NA TALAGA ngayon si Francine Prieto dahil talagang nilunok na nito ang hiya at talagang humihingi na siya ngayon ng tulong para sa pagpapa-chemo ng Mommy niya.

Ibang klaseng chemo itong gagawin sa Mommy niya at mahal talaga ito kaya nagparating na ito ng mensahe sa Twitter at Facebook account niya na talagang nangangailangan na siya ng tulong.

Nu’ng nakaraang appreciation dinner nga ng Metro Manila Film Festival sa Gloria Maris, rumaket pa siya roon at ipinarating nito ang pangangailangan niya at nagpasalamat na rin sa mga nagpahatid ng tulong.

Pero kailangan pa rin niya kaya nakiusap na rin ito sa Startalk na kung puwede ay i-announce na nangangailangan pa rin siya ng tulong at sa mga gustong tumulong, iparating lang sa kanya o ‘di kaya ideposito sa bank account niya.

Hindi pa rin sumusuko si Francine dahil buo pa rin ang pananampalataya niyang hahaba pa ang buhay ng Mommy niya kung mabigyan lang ito ng tamang lunas. ‘Yun nga lang, kailangan talaga ng datung.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “Mark Anthony Fernandez, ‘di matanggap na tinawag siyang sinungaling!

  1. Hoy Merlyn…ano namang cnasabi mo na balik droga si mark ah bkit nakita mo ba!?epal ka nagbabago na nga un tao..sabhin mo talgang dpat lang na wag na nya siputin si claudine kasi..imbis na okay na career ni Mark eh baka madamay pa sya sa pagkalaos ni caludine!!At hindi madungis tignan si mark!kapal ng mukha mo sabhin na YUCKY!!eh kutis palang ni mark artista na!! eh mukha mo kaya kahit isa sa bahagi ng katawan ni mark wala ka eh!! TAE KA MERLYN!!!!

  2. OA n2 ni claudine, sya lng tong lumipat sa 7 eh! gusto nang magreyna agad. at inaaway2 ang mga dinadatnan sa network. hay naku! nawala n kasi ang ning2 mo nung nagasawa ka. buti pa judy ann, ganun p din.

  3. i understand how francine is going thru right now, but somehow i want the doctor to be honest. to think may pleural effusion na or ung may tubig sa baga that indicates the cancer cell has metastasize already from distal ovary which is the primary cancer. there just putting the patient in a compromise situation. nanpera lang its stage 4 already. prayers is all we need.

    • Di porke stage IV ay wala nang pag-asa. May mga ovarian cancers with low malignant potentials na kahit stage IV ay >75% ang 5-year survival rate. Ang average 5-year survival rate ng stage IV ovarian cancer, kahit anong histology, ay 18%. Anong gusto mong gawin ni Roxanne, hayaan na lang na mamatay ang ina nang walang laban? Eh sakaling isa siya sa 18% na hahaba pa ang buhay?

      Wag kang magmarunong at humirit nang di mo alam ang actual ECOG status, histologic diagnosis, at treatment ng sakit ng nanay niya. Nakikitaan ka lang na wala ka talagang alam.

      • sis hndi roxanne…francine

        nd addition 2 dat ders god hu listen sa mga hinaing ntin

        just believe in him!!

  4. hay naku mark anthony wag nang patulad ang laos na claudine barreto na ya wala na yan papansin na lang yan kala nia sikat pa xa no way laos na xa no d mo xa kailangan sa career mo ignore her

  5. Trouble with chemo is, it’s a race against time. Either the cancer will kill you first, or the chemo. Esep-esep. Hanap-hanap ng alternatives. Google is your friend.

Leave a Reply

Your email address will not be published.