Marjorie Barretto, walang kadala-dala

Marjorie-BarrettoHETO’T UMAARIBA na naman si Marjorie Baretto na pakiwari ko’y sablay na naman. Kuda siya ng kuda (read: dakdak ng dakdak) sa dating mister niyang si Dennis Padilla na diumano’y may sinabing hindi maganda ang ama sa dalagang anak na si Julia Barretto.

Heto siya at pinatulan na naman ang mga intriga at feeding sa kanya na imbes na manahimik at ayusin nila ang isyung pampamilya, mas gusto pa niya ipangalandakan ang himutok sa isyu kung meron man or kung tutoo man ito sa media.

Marjorie have not learned her lessons na dahil sa pagiging butangera niya, ang nasisira ay ang anak niya na ngayon pa nga lang nagpapaka-good at positive image.

Sa totoo lang, bumaba ang good vibes ng dalaga mula nang mag-away-away ang mga tiyahin niya at pati ang ina niya’y nakisali.

Wala talagang kadala-dala si Marjorie at hindi natuto na lahat ay bumubuwelta sa anak niya na nananahimik.

Naku, hindi na bago sa mga artista lalo pa’t may show na ipalalabas at kailangang mag-ingay para mapag-usapan. ‘Yun na!

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleKris Bernal, pinagbawalan ng magulang na mag-pose sa men’s magazine
Next articleMarjorie Barretto, tuloy pa rin ang pagpapalit ng apelyido ni Julia Barretto

No posts to display