Maris Racal, malaki ang respeto kay Miho Nishida kaya ayaw patusin si Tommy Esguerra

Maris Racal

HINDI ITINANGGI ni Maris Racal na gusto rin niyang magkaroon ng permanenteng ka-love team sa showbiz. Kaya lang, madalas daw na nauudlot ito at hindi natutuloy.

 
“Actually, gusto kong magkaroon ng ka-love team, pero hinihintay ko pa yung perfect guy. Si Manolo (Pedrosa) kasi hindi natuloy. Nagka-work kami for a teleserye ni McCoy (de Leon), si Marco Gumabao din.
 
“Ewan ko na bakit hindi nagtutuluy-tuloy. Pero pag may nawawala naman kasi may perfect na dadating kaya para sa akin, okey na din na ako lang munang mag-isa. Ibi-build ko muna yung self ko,” bulalas ni Maris nang makausap namin.
 
Open ba naman siyang maging ka-love team si Tommy Esguerra na very vocal sa pagsasabing crush siya nito?
 
“If ever may project okey naman po… okey lang naman.”
 
Ang hindi lang daw okey sa kanya ay ang ligawan siya ni Tommy.
 
“Ayoko muna kasi may respect ako sa kanila ni Ate Miho and super friends kami ni Ate Miho. Kaya ayoko muna.”
 
Masaya rin si Maris sa development ng kanyang career ngayon.
 
“Super happy ako kasi parang na-develop ko rin yung self ko at part do’n talaga yung huwag munang mag-boyfriend kasi sayang naman po yung mga opportunities na binibigay sa akin.”
 
Pero hindi naman pala siya NBSB (no boyfriend since birth).
 
“No! Nagkaroon po ako ng boyfriend nung high school. Ngayon po, wala muna, love team-love team lang, ganun.”
 
Ano bang hinahanap niya sa isang lalaki?
 
“Sa akin po, gusto ko ano siya, yung parang open talaga sa family ko. Kasi strong yung foundation sa family, hindi basta-basta matitibag. Tapos siyempre, God-fearing din,” sagot niya.

La Boka
by Leo Bukas

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.