Maris Racal at Manolo Pedrosa, star-studded ang celebrity premier ng kanilang movie

Manolo-Pedrosa-Maris-RacalSTAR-STUDDED ANG celebrity premier ng pelikulang Stars Versus Me na pinagbibidahan nina Manolo Pedrosa at Maris Racal na palabas sa June 3 under the direction of Joven Tan. Present sa premier si Janella Salvador na todo-suporta sa movie.

Maaga pa lang, nasa Cinema 7 na ng Megamall si Janella kasama ang mom niyang si Jenine Desiderio na kasama rin sa cast ng Stars Vesus Me. Present din ang iba pang cast ng movie like Matet de Leon, Rita Avila with husband Direk FM Reyes, Fourth Solomon, Kiray, Negi, and many more.

Dumating din sina Gov. ER Ejercito at Pagsanjan Mayor Maita Sanchez Ejercito, at ang mga former PBB housemates na ka-batch nina Maris at Manolo tulad nina Loisa, Axel, at iba pa.

Ini-expect ang pagdating ni John Lloyd sa premier, pero hindi ito nakahabol. May syuting yata ng pelikula.

Punum-puno ng fans ang Cinema 7 ng Megamall at marami ang nagulat na ganu’n pala karami ang supporters nina Maris at Manolo. Nakakikilig ang pelikula at bagay na bagay ang dalawa. Kuwela rin ang mga eksena nina Kiray at Ejay Falcon na may special participation sa movie.

Sobrang guwapo ni Manolo sa pelikula. Wala siyang pangit na shot kaya sey ng mga nanonood, siya na ngayon ang aktor na walang pangit na anggulo. Congrats sa team ng Stars Versus Me, sa direktor, at sa cast!

La Boka
by Leo Bukas

loading...

4 thoughts on “Maris Racal at Manolo Pedrosa, star-studded ang celebrity premier ng kanilang movie

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.