Marion Aunor, nakukumpara sa kanyang inang si Lala Aunor

Photo Credit @ Ayla Francesca Reyes

Photo Credit @ Ayla Francesca Reyes

IKAW NAang maging Aunor ang apelyido. Showbiz na showbiz, ‘ika nga nila.

Very in ngayon si Marion Aunor dahil nga matunog ang name niya dahil nga isa siyang Aunor.

Marami ang nagtatanong kung malalampasan ang kasikatan ni Maribel Aunor noon ng kanyang anak na si Marion? Sa pagpasok ni Marion sa showbiz, hindi malayong ikumpara sa kanyang Mommy Lala.

Kahit nagsimula si Marion sa pagsali sa mga contest, sa recent Himig Handog P-Pop Love Songs, hindi pa rin siya makawala sa pagkukumpara sa kanyang ina.

Sa true lang, si Lala ang original idol namin noong hindi pa kami isang ganap na reporter, Grade V pa lang ‘ata kami noon.

Timing na timing ang pagpasok niya sa showbiz dahil nga katatapos lang niya ng kursong Communications Technology Management sa Ateneo De Manila. Sa madaling salita, puwede na siyang mag-concentrate sa showbiz.

Kunsabagay, nasa dugo naman niya ang showbiz. Wala lang haharang , sisikat si Marion, Ikaw ba naman ang mag-third prize sa Himig Handog.

Abala siya ngayon sa mga out of the country shows. Kasama siya sa world tour ng Be Careful With My Heart, dahil siya ang kanilang singer. Under na rin siya ng Star Records.

 

MARAMI ANG nagtatanong kung sisikat na nga ba itong si Kim Rodriguez na ang dating name ay Kim Komatsu. Via the teleseryeng Kakambal ni Eliana, posible na ngang makilala itong si Kim.

At malaking tulong ang pagwawagi niya ng Best New Movie Actress mula sa Philippine Movie Press Club.

Star Awards for Movies. Kaya naman timing din ang pagkakaron niya ng teleserye.

At sabi nga niya, timing din ang pagkakaroon niya ng teleserye, at nangangakong hindi muna siya iibig. Magko- concentrate muna daw sa kanyang career.

At sana rin hindi siya matulad sa isang young actress na mas pinili ang lovelife. Kung hindi magkakaaberya ay masasabi naming magiging malaking artista si Kim.

Good luck, Kim!

 

BLIND ITEM: Kilala n’yo ba kung sino itong male celebrity na banned sa Macau casino dahil sa kanyang mga kasamang alalay na magugulo? Mas maingay pa raw sa amo at mukhang mga lasing daw.

 

BLIND ITEM 2: Hulaan n’yo kung  sino itong isang magaling na aktres ang nag-rent ng apat na room sa isang resort sa Laguna kamakailan lang. Kung hindi kami nagkakamali ay wala pang isang linggo.

Ang nakalulungkot dito, tinakasan ni aktres ang bayarin niya sa nasabing resort. Nagkakahalaga ito ng P28,000. Mga pagkain at upa sa apat na room, kung kaya umabot nang gano’n kalaking halaga.

Umiiyak na nagkukuwento ang may-ari ng resort. Nalokah pa siya nang makita niyang puro pinaggamitan ng drugs ang iniwan ng aktres.

Kakalokah talaga! Clue: dati siyang hubadera.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

loading...

6 thoughts on “Marion Aunor, nakukumpara sa kanyang inang si Lala Aunor

  1. Hi Pinoy Parazzi, 

    Ako po yung may-ari/kumuha ng photo ni Marion Aunor na nakapost sa article na ito. Okay naman ako sa gamitin niyo ang photo na kinuha ko pero sana binigyan niyo naman po ako ng credit or hindi niyo linagyan ng watermark NIYO ang photo KO. Yun lang. Thanks. 

  2. IKAW NAang maging Aunor ang apelyido. Showbiz na showbiz, ‘ika nga nila,,,, SYEMPRE NORA AUNOR ANG NAGPASIKAT YAN……. NOON NGAYON AT MAGPAKAILAN MAN…. ADVANCE HAPPY BDAY PO MAAM NORA AUNOR!

Leave a Reply

Your email address will not be published.