Marion Aunor, hit ang kantang “Free Fall Into Love” na themesong ng pelikulang “Always Be My Maybe”

Marion Aunor, hit ang kantang “Free Fall Into Love” na themesong ng pelikulang “Always Be My Maybe”Hindi inaasahan ng mag-inang Lala Aunor at Marion Aunor na ang waiting “Free Fall Into Love” ay magiging theme song ng hit movie na “Always Be May Maybe” na humahataw pa rin sa takilya, dahil sa magandang review sa pelikula at sa bonggang paganap nina Gerald Anderson at Arci Muñoz.

Kaya nang mapanood ni Ms. Lala ang pelikula last week, natuwa siya sa Star Cinema, lalo na sa Star Music sa effort nila na i-push si Marion Aunor para makilala ang kanta nito at maging ang dalaga na dahan-dahan nang nagkakaroon ng katuparan ang mga pangarap niya.

Sa survey ng MOR 101.9 Baguio City, No. 2 ang kantang “Free Fall Into Love” at sa MOR 101.9 Puerto Princesa, nakasali ang kanta ng dalaga sa top 10 from February 13-19.

This Sunday, catch Marion with Michael Pangilinan in a show at Zirkho at 9 in the evening.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleBea Binene, mala-aso sa bagong teleserye
Next articleAlden Richards, naka-apat nang Platinum award ang album

No posts to display