Marion Aunor, binigyan agad ng break ng Dos!

OLA CHIKKA! Ok sa allright na naman tayo sa mga chismax to the maximum authority of chikka ni Tita Swarding!

Excited na akong mag-chikka kasi nga matagal ko na sana isinulat itong anak ni Maribel Aunor na si Marion Aunor. Sa mga hindi nakaaalam, matagal ang pinagsamahan namin ni Lala Aunor, kasi late 80’s or early 90’s, kung natatandaan n’yo ang Lala Aunor Show sa Channel 9, ako ang kanyang talent coordinator. Napalitan ako, kasi nag concentrate na ako sa aking program sa Super Tunog Pinoy DWLM-fm,ang kauna-unahang OPM fm radio station sa Pilipinas, na dito po ako nakilala bilang Swarding.

Kaya nag-PM ako kay Lala sa FB na hinahangaan ko si Marion. Iba kasi ang dating niya, maging class at masa, tanggap ang aura niya. Sabi ko nga, isa na namang Aunor ang hahangaan ng madlang pipol, tulad ko na talagang naloloka na naman sa kanya, tulad din ng pagsuporta ko noon sa kanyang Mama Lala at sa kanyang Tita Nora Aunor, na talagang naging solid.

Tinatanong nga ako ni Lala kung ano ang nangyari, bakit nag-iba ang ihip ng hangin? Sabi ko personal, pero ‘wag na nating pag-usapan ‘yan, ito na lang about Marion Aunor…

Nakakaloka to the maximum talaga itey, dahil infairness naman kay Marion, nanalo siya ng second runner-up sa songwriting competition sa Himig Handog P-Pop Love Song, at ang isinulat nga niya ay ang If You Ever Change Your Mind. Bongga rin, kasi nai-announce din ng ABS-CBN na kasama na siya sa Be Careful With My Heart at nag-sign na rin ng contract sa Star Records. Ire-relese ngayong April ang kanyang album, siyempre napa-kasuwerte rin niya dahil kasama ang mga composition ni Vehnee Saturno.

Sana raw, magustuhan daw ng Superstar ang songs ni Marion kahit magkaiba sila ng style ng kanyang auntie. Ano kaya ang magiging career nito? Kasi infairness sa kanya, nabigyan siya agad-agad ng pagkakataon ng ABS-CBN… at may international tour din talaga, ‘di ba? March 28 & 29 sa Abu Dhabi, then sa May sa US, Canada at Europe, then sa September sa Japan.

 

PIKTIK-BULAG: Sino siya? Sino naman kaya itong comedian-actress na ito na talagang ayaw pa rin magpaawat ngayon sa mga bar?

Ang nakakaloka diyan, ‘te, lagi raw itong pumupunta sa kanyang kaibigang beautician para magpaayos. In fairness dito, akala mo naman may show or something siya para magpaayos everyday. ‘Yun pala ay gigimik lang siya every night.

Hindi talaga kinakaya ng powers ko, gigimik lang siya, ‘te, nag-effort pala talagang magpa-parlor. Siya na nga at ayaw talagang magpaawat. Hindi pa rin siya nagbabago… party all night pa rin ang lola mo! Sinech kaya itey?

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

8 thoughts on “Marion Aunor, binigyan agad ng break ng Dos!

  1. MAGALING KUMANTA ANG BATANG AUNOR NA YAN. SONGWRITER PA HA. WATCH KO MGA VIDEOS NYA SA YOUTUBE. SANA NGA I BUILDUP NG ABS. AYAN TITA SWARDING, JAN MO NA LANG IBALING ANG ATTENTION MONG NAWALA KAY ATE GUY. TUTAL PAMPAMKIN NYA NAMAN YANG SI MARION.