Mario Maurer, mas pinanood kaysa kay Erich Gonzales sa kanilang movie

BLIND ITEM: Grabe sa pagka-chain smoker ngayon ang isang bagets na tinitilian pa mandin ng napakaraming fans. Sa murang edad, nakiki-pagkumpetensiya na siya sa hininga niya sa isang actor na may dalawang teleserye sa sobrang hitit-buga ng yosi.

Wala naman sigurong problema kung nasa tamang edad na siya, eh. Pero “teenager” pa lang siya, ang lakas na niyang humitit. Katatapos lang ng isa, sindi na naman siya ng panibago.

Juice ko, ano kaya ang sinasabi ng kanyang ka-loveteam? Hindi ba ito naaantutan sa hi-ninga niya ‘pag magkaeksena sila o laging nagga-gurgle ng mouthwash ang lolo mo bago mag-eksena?

Nako, kahit na. Dapat, huminto na muna siya. Actually, ang parents nitong mga artista rin ay sinasaway naman ang bagets, pero o-oo lang, at balik na naman.

Sayang naman

‘yung biglang sikat ng bagets na ito kung at this early ay magkasakit na siya at lalo siyang mangayayat, ‘di ba?

Hay, nako, anak… hindi porke alam mong sikat ka, eh hindi ka na bababa o magkakasakit dahil sa sobrang lakas mong magyosi.

Ikaw ang gumawa ng pa-ngalan mo, ikaw rin ang sisira niyan.

 

NAKAKATUWA ITONG Thai Superstar at tinaguriang Mr. No Pores, dahil aliw na aliw siya sa Pilipinas at sa mga Pilipino. Kaya nu’ng naimbitahan kami sa presscon ng Suddenly It’s Magic, talagang nakiusap kami sa AdProm nitong sina Roxy Liquigan at Mico del Rosario na magpapa-picture kami kay Mario Maurer.

At natupad na nga ang a-ming hiling. Ayan at sa twitter ay si Mario (kasama niya siyempre ako, dahil twitter account ko ‘yon, wala siyang choice) ang aming profile pic.

At makailang beses na-ming zinum-out ang picture sa aming celfone at totoo ngang siya si Mr. No Pores, hahaha! Napakakinis na bata. Hindi nakakasawang tingnan.

Kaya nga ‘yung mga nakapanood na ng movie nila ni Erich Gonzales na nakausap namin, “Si Mario talaga ang pinanood namin, hindi si Erich!”

Hahahaha! I’m sure, pati si Erich, intinding-intindi ‘yung katotohanang ang mga babae at mga bading ay talagang si Mario ang pakay ng kanilang panonood, secondary na lang si Erich at ang kuwento.

Weather they like it or not, si Mario talaga ang puno’t dulo ng kanilang panonood ng movie ng Star Cinema.

 

NGAYON PA lang ay kinakabahan na si Janice de Belen kung anong sorpresa ang naghihintay sa kanya this Saturday sa Showbiz Inside Report bilang birthday celebration niya.

“Nako, dalawa lang ang puwedeng maganap sa show natin,” susog ni Carmina Villarroel,  “It’s either may magwo-walk in or may magwo-walk out!”

Hahahaha!

Juice ko, ‘eto nga’t maging kami ay nagre-research na rin ng aming sorpresa kay Janice.

But at this point, gusto lang naming papurihan si Janice, dahil ito ang klase ng kaibigang basta kaibigan ang nampipikon sa kanya ay hinding-hindi mo siya mapipikon.

Ilambeses na naming inaasar ‘yan ni Cong…. ah este, Tsong Joey Marquez sa show, pero tinatawanan lang niya. Kaya ewan lang namin this Saturday kung matatapos na rin ang aming friendship dahil baka ito na ‘yung ikapipikon ni Janice, hahaha!

Happy, happy birthday, Mare! Mahal na mahal ka ng pamilya mo sa Showbiz Inside Report, alam mo ‘yan.

 

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

19 thoughts on “Mario Maurer, mas pinanood kaysa kay Erich Gonzales sa kanilang movie

  1. base on clues mukang si DJ nga..
    at kung sya nga sayang nman..

    na Blind Item din sya sa tv5, teenager na chain smoker
    na isa lang daw ang kanta tas revival pa (na Gold nman)
    hope ma stop nya.not good for the health

    wag na tayong mag salita ng masama sa iba.
    if youre really a DJ fan suportahan n lng sya na i stop ung smoking..

  2. ahahaha ang galing nuh ? Tlgang unang papasok sa isip ntin si daniel kht d naman sya .grbe kse yung clue parehas artista parents,teenager may teleserye .grbe snu kaya un ?kakcurious

  3. inggit si ogie kay mikay hahahah, o inggit lang sa kasikatan ni bagets? masama gumawa ng kwento te para sa ikabubuti mo yan, baka parusahan ka ni Our Father. di ka man lang din natakot sa fans nung bagets….

  4. Napakastoryteller naman tong baklang to, uhmm Ogie Diaz, mukhang may ipapasok kang bagong talent na bagets ah? Sinisiraan mo yung sikat para malaos, at ipapasok mo na yung talent mo. *clap clap*

  5. Wow Ogie Diaz, lumipat ka sa Channel 7 or 5 ha, magpakaloyal ka naman sa mga katrabaho mo sa network mo. Sinisiraan mo sarili mong katrabaho. Magplastikan kayo dyan, pero wag kang backstabber. Alam namin public figures sila pero wala ka man lang loyalty, maiintindihan siguro namin kung sa kabilang channel yung tinutukoy mo pero hinde eh. Sabagay sila naman dahilan kung bat ka may katrabaho. Wala kang pinagkaiba kay Cristy Fermin.

  6. Huh? Ridiculous. Panong naging si Daniel Padilla yan, nung sa marikina nagtetaping yung princess and I, nakasunod lang ang mata namin sa kanya simula 7am hanggang umalis sila, ni hindi naman namin nakita nagyosi o lumabas man para magyosi, halos ganun every taping dahil malapit lang kami sa palengke. Fan ako pero never ko naman nakita nagyosi siya kaya hindi siya yan. porket sikat siya agad, well salamat dahil sikat naman talaga siya. Sa susunod Ogie Diaz, magbigay ka nang clue na hindi naman masyadong vague. Si Daniel lang kasi ang lalaking sikat ngayon at proud kaming fans don

  7. Nagtataka din ako dito sa pamilyadong baklang ito. Mas marami pa siyang bini-BI na co-Kapamilya talents niya kaysa sa artists ng ibang networks. Sabagay, dun na siya sa sikat kaysa sa hindi.

  8. kilala ko na qng tinutukoy na bagets na naninigarilyo at sigurado akong hindi si daniel padilla yan… parang nasa show sya ni fishy at isang show tuwing sabado… 

  9. HAHAHA nakakatawa naman itong mga comments regarding the blind item. Sa dami ng papparazi, ni isang beses wala pa kaming nakitang may hawak na yosi si Daniel. Kahit nung nandito sa America, walang moment na nakita naming nagyosi siya knowing na lagi namin siyang kasama..

    Thank you dahil si Daniel agad ang naisip niyo nung sinabing SIKAT NA SIKAT at TINITILIAN ng mga fans but sorry to burst your bubble. Hindi siya yan. 

  10. Nakakalbo na ba si Sharon Cuneta?  Bakit ang nipis na ng buhok niya?  Malapit na niya maging kamukha si Bembol Roco.

  11. ang clue ng B.I. parang itinuturo si daniel padilla pero hindi.. hindi pwedeng magyosi si padilla kasi may asthma sya.. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.