Marine Engineer, Nagpakamatay Dahil sa GF

NATAGPUAN NA lamang na wala nang buhay ang 25-anyos na marine engineer sa Purok 3, Barangay Lamcallaf, Polomolok, South Cotabato matapos na magbigti.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Kevin Tacbas Adem, ng naturang lugar.

Base sa impormasyon, natagpuan na lamang ng kanyang kapatid ang biktima na nakabitin sa loob ng kanilang comfort room at isa nang malamig na bangkay.

Samantala, ginamit ng biktima sa pagbigti ang nylon wire.

Lumabas din sa inisyal na pagsisiyasat na nag-lasing muna ang biktima bago nagbigti matapos na magkaroon sila ng problema ng kanyang kasintahan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.