Marinduque State College, Mananagot sa Aksidente sa Benguet

INIIMBESTIGAHAN NA ng Commission on Higher Education (CHED) ang aksidente sa field trip sa Tuba, Benguet na ikinsawi ng pitong estudyante at guro ng Marinduque State College (MSC).

Ayon kay CHED Executive Director Atty. Jun Vitriolo, lumilitaw sa mga inisyal na impormasyon na posibleng may pagkukulang ang kolehiyo sa isinagawang lakbay-aral kaya naaksidente.

Lumalabas aniya sa kanilang nirebisang regulasyon nitong Nobyembre, kailangang may permiso mula sa tanggapan ng CHED ang anumang isasagawang educational tour o field trip ng mga estudyante.

Binigyang-diin ni Vitriolo na dapat ito ay hindi sapilitan at hindi malayo sa paaralan, mga panuntunang tila nilabag aniya ng MSC.

Samantala, patuloy naman ang pagsisiyasat ng komisyon, habang inaalalayan ng MSC ang pamilya ng mga namatay at nasugatan sa aksidente.

Para kay Vitriolo, kaila-ngan pa ng mas malalim na imbestigasyon sa kaso. Hindi pa rin aniya napapanahon na i-ban ang field trip sa lahat ng paaralan.

Maaalala na pauwi na sana ang mga estudyante at guro ng MSC mula sa field trip sa Baguio nang sumalpok ang sinakyan nilang bus sa isang trak sa Marcos Highway.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.