MARINA, Pumasok na sa Imbestigasyon Vs 2GO

MALIBAN SA pagsisiyasat ng Philippine Coast Guard (PCG), may imbestigasyon na ring gagawin ang Maritime Industry Authority (MARINA) sa barkong MV St. Gregory the Great ng 2GO.

Nagsimula na kahapon ang pagsisiyasat ng MARINA sa pamumuno ni Engr. Joseph Roel Pador, senior shipping specialist ng ahensya sa Rehiyon 6.

Sinabi ni Pador na aalamin sa kanilang pagsisiyasat ang dahilan ng pagpasok ng tubig sa engine compartment ng barko noong Sabado ng madaling-araw habang papunta ng Iloilo City karga ang mahigit 300 mga pasahero.

Beberipikahin din sa kanilang imbestigasyon ang ulat ng Coast Guard kaugnay sa nakitang mga butas sa barko at kung ano ang naging sanhi nito.

Nauna nang lumabas sa inisyal na pag-usisa ng PCG na sumadsad ang barko habang nasa mababaw na bahagi ng baybayin sa Siete Picados dahilan ng pagkabutas nito hanggang sa pinasok ng tubig.

Samantala, habang nagpapatuloy ang pagsisiyasat, kanselado muna ang certificate to voyage ng barko na nangangahulugang hindi muna ito makapagbibiyahe hangga’t hindi binibigyan ng clearance ng MARINA central office.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.