MARINA Administrator, Ipatatawag sa Kamara

IPATATAWAG SA Kamara ang administrador ng Maritime Industry Authority (MARINA) hinggil sa banggaan ng 2GO Shipping Lines at Philippine Span Asia Carrier Corporation (dating Sulpicio Lines) sa Cebu.

Sinabi ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon na pagpapaliwanagin nila si MARINA Administrator Maximo Mejia sa mga polisiyang ipinatutupad nito sa ahensya dahil ito na ang ikalawang trahedya sa dagat simula nang maupo siya sa puwesto.

Paniwala ni Ridon, may korapsyon sa ahensya.

Partikular na binanatan ng Kabataan Partylist ang umano’y pagpayag ng mga inspektor na makapaglayag ang mga matatandang barko o yaong umaabot na sa 40 taon, gayundin ang mga overloaded at kulang sa safety features.

Pinuna rin ni Ridon ang aniya’y kakulangan sa pagsasanay at kaalaaman ng mga tripulante ng barko.

Maaalala na Hunyo 14, 2013 nang lumubog ang M/V Mt. Carmel sa Burias Island, Masbate. Hindi bababa sa dalawa ang namatay rito.

Samantala, noong Biyernes naman lumubog ang M/V St. Thomas Aquinas ng 2GO kung saan 34 na ang nasawi.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.