MARIKINA, NAGHAHANDA SA PAGKILOS NG FAULT LINES

PUSPUSAN ANG GINAGAWANG paghahanda ng pamahalaang lungsod ng Marikina sakaling magkaroon ng malakas na pag-lindol sanhi ng mga aktibong “fault line” na mismong dumaan sa kanilang lugar upang maiwasan ang sobrang pinsala nito sa kanilang mga mamamayan.

Sinabi ni Marikina city mayor Del de Guzman na pinag-ibayo nila ang pagdadaos at pagbibigay ng “awareness program” sa kanilang mga mamamayan para sa kanilang kahandaan.

Kasabay nito ay inatasan ni Mayor de Guzman si City Engineer Edgar Villafuerte na magsagawa nang malawakang inspeksiyon sa mga gusali sa lungsod upang maiwasan ang pagguho ng mga ito gaya ng nangyari sa bansang Japan.

Tuluy-tuloy din umano ang pamimigay ng pamunuan ng Public Information Office ng mga pulyeto sa mga residente na nagsasaad ng mga dapat gawin kapag nagkaroon ng malakas na lindol.

Bukod dito  ay  regular din umano ang isinasagawang earthquake drill sa iba’t ibang tanggapan at mga paaralan upang matiyak na alam ng mga manggagawa at mga estudyante  ang dapat  nilang gawin  sa oras na magkaroon ng pagyanig.

“Napaka-importante kasi  kung ano ang gagawin, before, during and after  the quake,” ayon kay Engr. Villafuerte, lalo pa’t  hindi naman alam kung kailan darating ang lindol, kung kaya’t mahalagang alam ng bawat isa ang kanilang gagawin sa oras ng ganitong kalamidad.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.