MARIKINA MAYOR DEL DE GUZMAN, SANGKOT SA MILYONG PISONG ANOMALYA?

POLITICALLY-MOTIVATED! GAWA-GAWA lamang ‘yan ng mga taong galit sa akin dahil tinalo ko sila sa pulitika, kaya gusto nilang sirain ang napakaganda kong pangalan!

‘Yan, parekoy, ang kalimitang palusot ng mga opisyal ng pamahalaan kapag nabubulgar ang kanilang mga anomalya.

Kaya naman buwisit na buwisit tayo sa mga ganitong pulitiko.

Na matapos gumawa ng katarantaduhan, matapos gumawa ng kahalayan at matapos magnakaw ay hindi kayang aminin ang kanilang mga kademonyuhan.

Ang masakit, parekoy, ang kanilang pilit na idinadawit na diumano’y may kagagawan sa mga sari-saring isyu ay ang mga dating katunggali sa pulitika na wala namang kaalam-alam sa kanilang mga ginawang katarantaduhan at pagnanakaw.

Tingnan na lang natin itong nangyari sa Marikina City noong nakaraang linggo.

Unang napaulat sa pahayagang ito ang maanomalyang transaksiyon sa tinaguriang “Tianggehan sa Ilog”.

Ang nasabing proyekto ay roon gaganapin sa mga barangay ng Santo Niño at Jesus Dela Peña sa Marikina City.

Ayon sa dokumento, ibinigay ni Mayor Del de Guzman ang nasabing kontrata sa Victory Mall Management sa halagang 25 milyong piso.

Pero isang tao na naroon mismo habang ginaganap ang nasabing pag-uusap ang nagbulgar kung ano talaga ang tunay na pangyayari.

Ayon sa source, 30 milyong piso talaga ang napagkasunduang halaga sa pagitan ng Marikina at Victory Mall Management.

Kaya lang, kasama sa usapan na 25 milyong piso lang ang idideklara sa kaban ng bayan ng Marikina.

Dahil ang limang milyon ay papartihin daw sa demonyo at mga demonyito.

Dalawang (2) milyon daw sa “for the boys” o ‘yung mga tao na may alam sa nasabing kontrata at ang tatlong (3) milyon naman ay para raw kay Mayor Del de Guzman.

Sa totoo lang, hindi agad tayo nanininiwala sa nasabing source.

Tangna naman, parekoy! Si Mayor de Guzman, wawasakin ang kanyang pangalan sa halagang tatlong milyon lang? No way!!!

Ang siste, parekoy, may mga kaganapan sa nasabing transaction na mahirap ipaliwanag.

At maliban na mabigyan ni Mayor de Guzman ng magandang kasagutan, baka pati tayo ay maniwalang may katotohanan nga ang nasabing anomalya.

Una, bakit naganap ang transaction nang hindi man lang umano namalayan ng Bids and Awards Committee?

Ipagpalagay nang binigyan nga si Meyor ng “authority” mula sa Sangguniang Lungsod ng Marikina, nangangahulugan ba ito na hindi na idadaan sa bidding process ang nasabing proyekto?

Sa totoo lang, Meyor, dapat sigurong linawin mo ang isyung ito, dahil natatakot ako na baka ako na lang ang naniniwala na hindi totoo ang anomalyang ito.

Ang masakit, kung lahat ng nakapalibot sa atin ay nakangiti lang habang kinukuwenta kung paano mo gagastusin ang tatlong milyong piso!

Namputsa, meyor, ang laki naman niyan… partihan mo naman sila! Ehek!!!

Target
ni June Briones
jabriones10@yahoo.com
09152121303

loading...

One thought on “MARIKINA MAYOR DEL DE GUZMAN, SANGKOT SA MILYONG PISONG ANOMALYA?

Leave a Reply

Your email address will not be published.