Mariel Rodriguez, wala pang balak magpabuntis kay Robin Padilla!

BAKAS SA MUKHA ni Nora Aunor ang sobrang kaligayahang narararamdaman matapos niyang tanggapin ang Lifetime Achievement na ibinigay sa kanya ng katatapos na 3rd PMPC Star Awards For Music na ginanap last Sunday (October 16) sa Ateneo de Manila University theater.

“Napakalaking karangalan ito para sa akin,” sabi niya nang makapanyam namin. “Sabi ko nga, sa tinagal-tagal ko sa States… magwa-walong taon na rin.  Sa tinagal-tagal na hindi ako nagpupunta  sa mga award-giving bodies. Ngayon  lang talaga ulit… at  nagpapasalamat ako sa PMPC Star Awards sa paniniwala nila at pagtitiwala sa akin.”

Nakabibingi ang sigawan ng kanyang mga tagahanga na magpunta rin doon sa Ateneo para iparamdam ang walang katumbas na pagmamahal at suporta sa kanya. Bagay na labis din daw ikinaliligaya ni Nora.

“Masayang-masaya ako talaga. At gusto kong huwag nilang makalimutan ‘yong ginawa kong movie na     El Presidente     at ‘yong aming mini-serye sa TV5 na Sa Ngalan Ng Ina.

Thankful daw ang aktres sa tuluy-tuloy na pagbuhos ng blessings sa kanya ngayon.

“Sa sunud-sunod na parangal na naibibigay ko sa akin ngayon, wala akong masabi,” natawa ang Superstar.

“Actually, first time nangyari sa akin ito. Talagang sunud-sunod ang pagbibigay sa akin ng karangalan bilang isang mang-aawit. Kaya masayang-masaya ako dahil sa diyan sa pagkanta ako nag-umpisa. At hindi pa rin nila nakakalimutan kung saan ako talaga nagsimula. Gusto kong ialay ito sa lahat. Sa mga fans, lalung-lalo na. At sa lahat ng mga no’ng araw at hanggang ngayon ay nagmamahal at talagang pumi-pila pa rin para lang ako makita at magabayan.”

Kagagaling lang sa sakit ni Nora. Pero mukhang okay na nga siya matapos ang ilang araw na pagkaka-confine sa ospital.

“Malakas na. Malakas na ako nang konti. Pero nando’n pa rin ‘yong… inuubo lang naman ako, e. Siguro dahil sa ‘yon bang pagda-ting na pagdating ko kasi, wala na halos pahinga rin. Kaya gano’n ang nangyari. Pero okey na ako.”

May nasabi siya kamakailan na hihinto na siya sa paninigaril-yo. Gusto raw niyang panindigan na nga ito.

“Talaga. Dapat lang. At ngayon ko lang na-realized kung gaano ka-importante ‘yong hindi ka dapat manigarilyo,” sabi pa ni Ate Guy.

 

SA WIL PRODUCTIONS pa lang nakapirma ng kontrata si Mariel Rodriguez para sa pagku-co host niya sa Wil Time Bigtime. Pero willing din umano siyang magpakontrata sa TV 5 din. Gusto umano niyang magkaroon ng iba pang shows bukod sa Wil Time Bigtime.

“Dream kong magkaroon ng parang talk show. Parang late night with Mariel Rodriguez. ‘Yong mala-David Letterman, mga talk show na gano’n. Tapos mga drama… kahit na ano. Actually kahit na ano. Basta masaya.”

Si Robin, may tendency ba na sumunod sa kanyang lumipat na rin?

“I don’t know, e. Hindi ko naman ma-ano kasi meron siyang kontrata sa ABS. At saka, hindi naman ako ang manager niya, ‘di ba?”

What about ‘yong planong pagkakaroon nila ng baby?

“Ay, wala pa po. No. No. Not anytime soon.”

Talagang ii-enjoy muna nila ang pagiging mag-asawa nila?

“Yes!” nangiting sagot ni Mariel.

Bilang housewife, ano ‘yong obligasyong gustong-gusto niyang ginagawa for Robin?

“I love packing for him. Cooking? No. I don’t know how! Ha-ha-ha! Alam mo para sa kanya, kapag kunwari sinabi ko sa kanila (mga kasama nila sa bahay) na i-prepare na ang food tapos ako ang nagdala sa kanya, dahil ako ang nagpa-prepare, and in fairness ako naman ang nag-grocery no’n… para sa kanya ako na rin ang gumawa no’n.”

In return, ano naman ang mga nagagawa ni Robin for her na talagang ikinasisiya rin niya?

“Lahat. ‘Yong suporta niya sa akin, ibang klase.”

So talagang perfect husband para sa kanya si Robin?

“Yes!” nakangiting ending na nasabi ni Mariel.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Related Post

loading...

12 thoughts on “Mariel Rodriguez, wala pang balak magpabuntis kay Robin Padilla!

  1. I just finished watching the VIBES TAYO sa http://www.facebook.com/vibestayo at binablind item ni Rommel Placente, co-host ni Ogie Diaz sa Oct. 14 episode and isang host daw na nakapangasawa ng isang kilalang malaking aktor daw at nagulat na lang daw itong babae dahil ito palang husband nya na bago lang ay sinusustintuhan daw nito ang mga kamag-anak nito at ito daw si wife host ay kayod daw sa trabaho para makatulong sa pagpalamon sa mga relative ng new husband nya. At may nag comment na parang si Mariel ang tinutukoy. This is my new found entertainment sa internet itong Vibes tayo, nakakatawa ang tandem ni Rommel at Ogie.

  2. Sinabi ni Mariel sa isang interview na halos lahat daw ng pera ni Robin, ibinigay ito ni Robin kaya she has to think of her future daw. Kaluka. Sana tumatagal itong married life nila, asawa ba talaga itong si Mariel or one of them lang ba. Once a womanizer will always be a womanizer. Ang dami na ng mga magagandang babae ngayon.

  3. kayod ng kayod si mariel kasi walng binibigay na pera si robin sa kanya maraming kasing anak na pinapakain pati nanay at kapatid pa kaya sa bahay nila si mariel lahat nagbabayad at gumagastos sa lahat. eh nalugi pa sila sa movie nila dalawa pag di tumigil si mariel sa kahibangan ny kay robin sa kangkungan sya pupulutin. at wag sya pabuntis lalo syang maghihirap.

  4. hahaahahaha puro kyo galit at puna bakit ndi na lang kyo pumunta sa simbahan at magdasal puro kyo husga at masasamang bunganga kaya sigurado ako na mas masahol kyo sa sinasabihan ninyo,wag na kyong magreact,ang sa akin lang punta kyo sa salamin kung matitino kyong tao hahahahahaha sabagay ganyan naman ang mga pinoy puro dada…hahahahahaahaha inggetera at inggetro… maligo kyo para bumango kyo…or manood na lang kyo sa fav.ninyong kapamilya..

  5. Kawawa naman si Bea. Magmula ng ma pares kay Robin, medyo lumamig ang career. Wala pa ring project. Pero, siguro, magkakaroon na rin ngayong tapos na ang nakadikit na Karma sa kanya. Tapos na ang Guns & Roses. Tinapos ng maaga. Naubusan ng promo tactics ang dos para magmukhang mataas sa ratings. Hindi naman.

  6. Si Robin at Mariel na nga ang naka agrabiyado pero mahilig pa rin silang magpasaring. Robin’s statement when interviewed in TV5 is full of malice and insinuations. Parang inaapi lagi ang misis niya. Tama ka Robin, kailangan ni Mariel ng Psychiatrist. Hindi dahil sa hindi maganda ang nararanasan niya sa HYY kung hindi dahil sa INGGIT. Jealousy can make you loose your mind and your common sense, kaya akala ni Mariel, inaapi siya. At ikaw naman na nagmumurang kamatis ka, under contract ka pa sa ABS-CBN but you are out there backstabbing them BAGAY NGA KAYO NI MARIEL. PAREHO KAYONG BACKSTABBERS. IWAS IWAS ANG PAGSAGASA AT PAG YAPAK NG KAPWA PARA LANG KUMITA. TAG GUTOM NA BA SA BAKURAN NINYO AT DESPERADO NA KAYONG DALAWA ? rOBIN AND MARIEL, YOU TWO ARE PATHETIC.

  7. ——— lumabas din sa mabahong bunganga ni mariel na gusto daw nya ng talk show..feelingera..bilib na bilib sa sarili na akala nya magaling sya mag host…lumabas din ang totoo na inggit sya kay KC nun magkaron si kc ng talkshow…..siniraan pa nya si kc…plastik tlga at inggetera itong panget na mariel na ito akala nya siguro sya ang bibigyan ng talkshow…isinusuka lang sya ng ABS..OA naman mag host halatang frustrated host…..and for your info mariel…si robin ang ayaw pang magkaanak sayo dahil parausan ka lang ni robin wala syang balak maging ina ka ng anak nya..kaya hwag mong sasabihing NO.NO.NO dahil ikaw atata ka ng magkaanak kay robin …si robin lang tlga ang ayaw coz you don’t deserve..mukhang kalabaw at labandera..lusyang!!

  8. Pingback: Filipina Host Mariel Rodriguez Doesn’t Want to have Baby with Robin Padilla

  9. Mariel enjoy Robin while it lasts, pag losyang ka na, magsasawa din yon sa yo, history will repeat itself, maging magka level mo rin si Jinkee sa sama at sakit ng dibdib. A womanizer is always a womanizer. Kung magbago man, matagalan pa yan lalo na itong si Robin mahilig talaga sa mga magaganda.

Leave a Reply

Your email address will not be published.